CABUGAO, Ilocos Sur – Inaprubahan ni Mayor Edgardo Cobangbang Jr. ang Resolution No. 21 na nagdedeklara sa munisipalidad na ito sa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) epektibo sa Mayo 26 hanggang Hunyo 8, 2021.
Sinabi ni Cobangbang na may isa pang pagdami ng transmisyon sa kanilang lokalidad at mula sa kasalukuyang 45 positibong kaso ng COVID-19, 15 mga kaso pa ang naitala habang anima ng nagpositibo mula sa antigen testing sa Northern Ilocos Sur Trade Center.
“These premises prompted the Local Inter- Agency Task Force Against COVID-19 to declare the whole town under MECQ as per Executive Order No. 42 of Governor Ryan Luis Singson,” aniya.
Ang estado ng quarantine ng Cabugao ay unang nasa ilalim ng general community quarantine mula Mayo 16 hanggang Mayo 29, 2021.
Sinasabi sa resolution na ang minimum public health standards ay dapat sundin sa lahat ng oras para sa panahon ng MECQ.
Kinakailangang magsuot ng face masks at face shields ang mga residente kung lalabas ng bahay; mahalaga rin ang social distancing sa mga pampublikong lugar: at palagiang paghuhugas ng mga kamay gamit ang sabon o alcohol ay iminumungkahi rin.
Kailangang sundin ang mahigpit ng home quarantine sa lahat ng sambahayan, at ang paggalaw ng lahat ng residente
ay magiging limitado sa pagkuha ng mahahalagang bagay at serbisyo, at sa mga pinapahintulutang opisina at establisimiyento.
Ang mga edad na mas mababa sa 15, ang mga lagpas 65 taong gulang, ang mga may immunodeficiency, comorbidity, o ibang health risks, at mga buntis na babae ay kailangang manatili sa kanilang mga tahanan sa lahat ng oras, maliban kung mahalaga sa mga pagkakataon na kumuha ng mga importanteng bagay at serbisyo o health emergencies at regular gawain na nauukol sa kalusugan.
Ang maramihang pagtitipon gaya subalit hindi limitado sa movie screenings, concerts, sporting events at iba pang entertainment activities, community assemblies, at nonessential work gatherings ay ipagbabawal.
Ang mga pagtitipon para sa probisyon ng critical government services at authorized humanitarian activities habang sumusunod sa itinakdang minimum health standards ay pahihintulutan.
Ang mga pangrelihiyon na pagtitipon ay limitado sa hindi hihigit sa limang tao hangga’t hindi binabago. Ang mga lamay at libing ay pahihimtulutan lamang sa mga kamag-anak ng namatay habang ang pagsusugal, harana at pagsama-sama ng mga tao ay mahigpit na ipinagbabawal sa panahon ng mga lamay.
Tatagal ang mga lamay hanggang apat na araw lamang. Ang trabaho sa pampubliko at probadong establisimiyento ay limitado lamang sa 30 porsiyento ng kabuuang araw-araw na trabahador.
Ang mga establisimiyento na may walk-in na mga kliyente ay kailangang sihuruhin na ang kanilag kapasidad ay limitago sa parehong porsiyento. Ang operasyon ng mga tricycle ay papayagan sa isang pasahero lamang. Para sa single motor at kurong-kurong, back riding ay pahihintulutan basta ang back ride ay nakatira sa parehong bahay kasama ang driver.
Ang mga individual outdoor exercise gaya ng paglalakad sa labas, jogging, pagtakbo o biking ay papayagan sa loob ng MECQ areas basta ang minimum health standards at pag-iingat gaya ng pagsuot ng face masks at pagpapanatili sa social distancing protocols ay ginagawa.
Ang mga lugar ng kainan at restaurant ay mag-ooperate para sa delivery at take-put lamang. Ipapatupad ang liquor ban sa lahat ng pampublikong lugar at curfew hours ay mula 8 p.m. hanggang 5 a.m.
Maliban sa Cabugao, ang mga lungsod ng Candon at Vigan ay nasa ilalim din ng MECQ hanggang Mayo 29 at Hunyo 5, ayon sa pagkakasunod. Hanggang 8 p.m. ng Mayo 26, ang Cabugao ay may 64 aktibong kaso ng COVID-19 at dalawa ng namatay.
(AMB-PIA IS/PMCJr.-ABN)
May 30, 2021