Isa sugatan sa banggaan ng taxi at motorsiklo

Nasugatan ang isang driver ng motorsiklo matapos na aksidenteng bumangga ang sinasakyan nito sa isang taxi dakong 9:40 ng umaga ng Abril 4, 2018.
Kinilala ang driver ng crosswind taxi na may plakang AYS-437 na si Sony M. Bagatan, 36 anyos, may asawa at residente ng Sto. Tomas Proper, Baguio City habang ang Rusi 155cc na may plakang XO-9735 ay pagmamay-ari ni Ronaldo M. Valentino, 52 anyos, may asawa, isang trabahador at residente ng Bakakeng Central, Baguio City.
Ayon sa imbestigasyon ng mga pulis, binabaybay ng taxi ang kalsada papuntang Bakakeng Road palabas ng Ben Palispis Junction Road nang aksidenteng bumangga ang motorsiklo.
Dinala ang biktimang si Valentino sa Baguio General Hospital Medical Center (BGHMC) para mabigyan ng paunang lunas.
Parehong nagtamo ng pinsala ang taxi at motorsiklo. MARK PAUL K. PERALTA, UC Intern

Amianan Balita Ngayon