Mahigit P900K na Halaga ng Iligal na Droga, Nadiskubre;
CAMP DANGWA ,LA TRINIDAD, Benguet
Nasa kabuuang PhP964,080.00 na halaga ng iligal na droga ang nadiskubre at isang drug personality ang naaresto sa magkahiwalay na
anti-illegal drug operations na isinagawa ng Police Regional Office Cordillera Administrative Region (PRO CAR) sa probinsya ng Benguet noong ika-21 ng Mayo, 2025. Sa bayan ng Bakun, 8,000 grams na dried marijuana leaves na may Standard Drug Price (SDP) na PhP960,000.00 ang nadiskubre sa isinagawang marijuana eradication operation ng mga operatiba ng 1st Benguet Provincial Mobile Force Company, Bakun Municipal Police Station (MPS), Provincial Intelligence Unit (PIU) at Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) ng Benguet Police Provincial Office (PPO), Regional Intelligence Unit (RIU)-14, at Philippine Drug Enforcement Agency sa Sitio Mabilig, Brgy. Kayapa.
Lahat ng nadiskubreng dried marijuana leaves ay sinunog ng mga operatiba matapos ang kaukulang dokumentasyon habang patuloy ang isinasagawang imbestigasyon upang matukoy ang iba pang plantasyon ng marijuana sa mga kalapit na lugar at mahuli ang mga
responsable sa pagtatanim nito. Samantala, sa bayan ng La Trinidad ay isang 59-anyos na babae na naitala bilang Street Level Individual ang naaresto sa buy-bust operation na isinagawa sa Brgy. Balili. Ang suspek ay nahuli matapos siyang magbenta ng dalawang sachet ng
pinaghihinalaang shabu na may bigat na 0.6 grams at SDP na PhP4,080.00 sa isang operatiba na gumanap bilang poseur-buyer. Ang operasyon ay naisakatuparan sa pagtutulungan ng mga operatiba ng La Trinidad MPS, PDEU at PIU ng Benguet PPO, Regional Intelligence Division ng PRO CAR, RIU-14, at PDEA-CAR. Ang suspek at mga nakumpiskang ebidensiya ay dinala sa kustodiya ng La
Trinidad MPS para sa kaukulang dokumentasyon at wastong disposisyon. Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
(RPIO PRO CAR)
May 24, 2025
May 24, 2025
May 24, 2025
May 24, 2025