ISANG PARI TINAMAAN NG LIGAW NA BALA SA BAGUIO CITY

Isang 60 anyos na pari na hindi pinangalanan ang tinamaan ng ligaw na bala kaninang alas kwatro ng madaling araw sa Barangay Irisan, Baguio City. Ayon sa imbestigasyon ng kapulisan, patapos na new years party kasama ang mga residente at mg bata ng may maramdamang masakit ang pari sa kanyang kaliwang balikat.

Ng suriin nito ay siya pa mismo ang nagtanggal ng bala sa balikat na tumama sa collar bone sanhi ng pagkaka fracture nito. Agad na itinakbo ang pari sa Baguio General Hospital and Medical Center pero napauwi din pagkatapos lapatan ng paunang lunas. Babalik siya sa kanyang operasyon sa January 5. Narekober ang hinihinalang 9MM na bala sa kaniyang balikat at nagsasagawa na ng imbestigasyon ang forensit unit ng pnp para ma crossatch ito sa mga nag mamay-ari ng kaatehas na kalibre malapit sa lugat ng insidente.

Maliban sa ligaw na bala lima pang ang naitalang fire cracker insident sa lungsod kasama ang dalawang bata at tatlong adults na lalaki. Boga, Kwitis at five star ang mga nagamit nilang paputok. Nasa mahigit 7,000 na piraso ng illegal na paputok ang nakumpiska ng kapulisan habang 50% naman ang ibinaba ng krimen sa buong holiday season. Sa ngayon maluwag na ang trapiko sa mga kakalsadahan ng lungsod at balik normal na rin ang operasyon ng mga negosyo at kalakal sa lungsod na puno sa unang araw ng bagong taon.

Amianan Balita Ngayon