Sa huling mahigit isang taon ng termino ni dating pangulong Benigno Simeon “Noynoy”, “Pnoy” Aquino III ay hindi naging lingid sa marami (o mas nakararami) na ang proyektong Benguet Agri-Pinoy Trading Center (BAPTC) sa La Trinidad, Benguet ay mukhang minadali. Kung ano man ang dahilan ay iisa tayo marahil sa hinala na isang pagpapapogi ito kung hindi man naging gatasan ng ilang korap na opisyal.
Ngayon ay umaalingasaw na ang problema, maliban sa unang sigalot sa mga mamumuno kuwestiyonableng sapilitang pagpapalipat sa mga magsasaka mula sa dating trading post papunta sa BAPTC, problema (hanggang ngayon) sa kakaunting lumipat ay lumitaw na ang isang malaking problema – paubos na o wala ng pondo ang nasabing pasilidad, problemang kakaharapin ng mga bagong namumuno. Totoo talaga ang kasabihang”nasa una ang ligaya, nasa huli ang hirap”. Lumigaya ang nagpasimuno nito, pahirap naman ang iniwan sa huling hahawak nito.
Sana naman ay mabigyan ng lunas ito at ang mga mamumuno ng BAPTC sa ngayon o sa hinaharap ay mga taong may tunay na malasakit.
February 18, 2017
February 18, 2017
November 30, 2024
November 30, 2024
November 30, 2024
November 30, 2024
November 23, 2024
November 23, 2024