ITOGON, Benguet
Sa pamamagitan ng Tulong Panghanapbuhay para sa Ating Disadvantaged/ Displaced Workers (TUPAD) ay kaakibat ngayon ng Itogon municipal government sa pamumuno ni Mayor Bernard Waclin, ang pagpapaganda ng
mga kalsada para makilahok sa kompetisyon ng Provincial Tourism Office ng lalawigan ng Benguet. Nananatiling matatag ang determinasyon ng LGU Itogon na ipakita ang galing at dedikasyon ng kanilang komunidad sa pamamagitan ng pagpapaganda ng kalsada.
Sa tulong ng mga benepisyaryo ng TUPAD, hindi lamang sila nagbibigay-buhay sa kanilang mga pangarap kundi pati na rin sa proyektong magpapakita ng kanilang pagmamalasakit sa kalikasan at turismo ng kanilang bayan. Sa kasalukuyan, may 37 tatlumpu’t benepisyaryo ng TUPAD mula sa Tinongdan ang hinirang upang magsagawa ng 55 araw na malawakang paglilinis sa Sitio Ongkalew. Sa kanilang pagkilos, hindi lamang nila pinapaganda ang kanilang komunidad kundi nagbibigay rin sila ng inspirasyon sa iba pang mamamayan na magtulungan para sa kabutihan ng bayan.
Ang programang ito ng pagpapaganda ng kalsada ay taunang isinasagawa sa koordinasyon ng Tanggapan ng Turismo ng Lalawigan. Layunin nito ang hikayatin ang mga bayan sa Benguet na pagandahin at gawing mas maganda ang mga lugar sa tabing-kalsada, upang mapalakas ang aktibidad sa turismo. Ang pagsusuri ng provincial
government ay itinakda mula Abril hanggang Mayo habang ang pagbibigay ng parangal ay isasagawa sa Hunyo sa
pagdiriwang ng buwan ng Kalikasan ngayong taon.
Judel Vincent Tomelden/UB-Intern
November 1, 2024
November 1, 2024
November 1, 2024
November 1, 2024
November 1, 2024
November 1, 2024