Jail guard nagbaril sa ulo, patay

BAGUIO CITY – Nagdadalamhati ngayon sa unang araw ng taon ang mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), matapos magpatiwakal ang isang jail guard sa loob ng kanyang bahay sa San Carlos Heights, Barangay Irisan,Baguio City.
Ang biktima ay nakilalang si Jail Officer 1 Roland Daweg Gapasin, 30, nakatalaga sa Baguio City Jail. Ayon sa Station 9 ng Baguio City Police Office, nakatanggap sila ng tawag dakong als 11:55 ng gabi ng Enero 1, na may naganap na alleged suicide dakong alas 10:35 ng gabi sa nasabing lugar.
Sa inisyal na imbestigasyon, lasing sa alak umano ang biktima habang nagkaroon ng pagtatalo sa asawa nito na nakatalaga naman sa Bureau of Fire and Protection.
Sa kanilang pagtatalo, nagsalita umano ang biktima ng “magpapakamatay ako”, habang hawak nito ang kanyang service firearm at nagsabing aalis siya sa bahay, hanggang bigla na lamang itutok ang barill sa ulo at pinaputok.
Mabilis na tumawag ng ambulansya ang asawa nito para isigud sa Baguio General Hospital and Medical Center, subalit idineklara itong dead on arrival ni attending physician Dr.Meynard Dela Cruz.
 
Zaldy Comanda/ABN
 

Amianan Balita Ngayon