KABABAIHAN FESTIVAL, SINIMULAN NA SA BAGUIO

BAGUIO CITY

Bilang pagdiriwang ng Women’s Month ngayong Marso, opisyal inilunsad ang taunang selebrasyon ng Kababaihan Festival sa Baguio City noong March 6 na ginanap sa city hall grounds. Ang selebrasyong ay nagbibigay-pugay sa mga kontribusyon ng kababaihan at naglalayong ipakita ang
kanilang mga kalakasan, karapatan at kakayahan na kanilang ipinagmamalaki. Ang tema ng Women’s Month ngayong taon na gagamitin hanggang sa taong 2028 ay “WE for Gender Equality at Inclusive Society”.

Ang WE ay nangangahulugang Women and Everyone na nagbibigay diin sa papel ng kababaihan at
ng pangkalahatan sa pagsulong ng Gender Equality. Sa mensahe ni Councilor Elmer Datuin, chairperson on Social Services, Women and Urban Poor, “This is important because we would like to give emphasis on all the sacrifices of all the women in the City of Baguio, not only in the city, but
also in the Philippines and all over the world. This year’s theme talks about women’s empowerment and gender equality and so, that will be our emphasis to give the necessary rights that women truly deserve in the society.”

Tampok ngayong taon ang ang namumukod-tanging kababaihan na paparangalan sa Outstanding Women Leader of Baguio City sa March 16 na gaganapin sa Baguio Convention Center. Magkakaroon din ng Women’s Health Forum at Libreng Papsmear. Tampok din ngayong taon ang Eco Fashion Show at Search for Ginang ng Tahanan. Lahat ng aktibidad na ito ay tungo sa mithiing pagsulong ng karapatan at pagkilala sa kababaihan. Iniimbitahan ang lahat na magsuot ng kulay “Purple” tuwing miyerkules upang magpakita ng pakikiisa sa selebrasyong ito.

Godwin Niduaza-UB Intern/ABN

Amianan Balita Ngayon