KAILAN ANG RAMADAN SA TAONG ITO 2024 ?

Ang Islamikong kalendaryo ay gumagalaw sa taong lunar. Ang pagtanaw sa bagong buwan ay palatandaan ng
pagsisimula at pagtatapos ng bawat buwan. Inaasahan lilitao ang unang buwan mula sa ika sampong araw (10 ) nitong buwan ng marso , kapag mapalad na nagpakita ito ay oblegadong mag ayuno ng kinabukasan sa ika (11 ) ng
buwan ng marso , ngunit kung hindi ito masilayan ang nasabing paglitao ng buwan ay atumatikong pag aayuno sa ika (12 ) ng marso.

Base sa itinuro ni propeta muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan ) Sinabi ng Propeta : “Mag ayuno kayo sa oras na inyong makita ang gasuklay na buwan ( cresent moon ) at ihinto ninyo ang pag aayuno sa oras na makita ninyo muli ang gasuklay na buwan sa pagtatapos ng buwan ng ramadan ngunit kung maulap ang kalangitan sa inyo, At tuloyan hindi ninyo masilayan ang buwan ay kumpletuhin ninyo ang buwan ng SHA’BAN ng tatlumpong (30) araw Ating Alamin ang ibig sabihin ng ramadan Ang Ramadan ay isang sagradong panahon ng pagdarasal at pag-aayuno ng mga Muslim na nagaganap tuwing ika-siyam na buwan sa kalendaryong Islam.

Ito ang buwan na ma-aring tawagin na buwan ng QUR’AN ng dahil sa ang rebelasyon ng Qur’an ay nagsimulang ipahayag kay Propeta Muhammad (SAWS). At Ito ang buwan kung saan na ,ang mga Muslim ay nag-aayuno. Bawat Muslim na may maayos na pag-iisip na nasa wastong edad ng pagdadalaga o pagbibinata ay obligadong mag-ayuno. Gayunpaman, ang ilang mga tao ay maaaring lumiban sa pag-aayuno kung sila ay may sapat na dahilan.

Gaano katagal magayuno sa isang araw?

Ang mga Muslim ay nagaayuno mula bukangliwayway (madaling-araw) hanggang sa paglubog ng araw sa bawat araw ng Ramadan. Ito ay maaaring nasa pagitan ng 12 oras hanggang14 oras sa atin sa pilipinas at depende sa oras ng taon kung saan tumama ang buwan ng Ramadan.

Kailan nagsisimula ang Ramadan?

Mag sisimula ito sa pagtatapos ng pang walong buwan na tinatawag na buwan ng sha’ban mula sa Islamikong
kalendaryo ay batay sa isang sistemang lunar. Ang bawat buwan ay nagsisimula at nagtatapos sa pagkakita ng bagong sibol ng buwan Pagkatapos ang ika-walong buwan ng Shaban, Ang Ramadan kailanman ay hindi sa parehong panahon kada taon sapagka’t ito ay umiikot sa iba’t-ibang panahon sa bawat taon. Sa bawat buwan ng lunar, kabilang ang Ramadan, ay maaaring may 29 o 30 mga araw.

Bakit Nag-aayuno Ang Mga Muslim?

Ang taga paglikha ang nagbigay ng tungkulin o pagutos upang gawin ang pagaayuno Sinabi ng allah sa banal na
qur’an , sa malapit na kahulogan “O KAYONG MGA SUMASAMPALATAYA, ISINATUNGKULIN SA INYO ANG PAG-AAYUNO GAYA NG PAGSASATUNGKULIN NITO SA MGA NAUNA SA INYO – NANG HARINAWA KAYO AY MANGILAG MAGKASALA” . [ M A L U WA L H AT I N G QUR’AN 2:183] Gaya ng ibang gawang pagsamba sa Islam, ang mga Muslim ay nag-aayuno dahil ang Diyos ay inutusan sila na gawin ito. Bago ang talata ng Qur’an na ito ay ipinahayag, ang mga Muslim ay nag-aayuno na sa ilang tukoy na mga araw, ngunit walang takdang panahon na ginawang tungkulin.

Ang layunin ng pagaayuno ay para sa mga Muslim na maabot ang pagiging matuwid o pangingilag sa Diyos [kilala sa Arabe bilang Taqwa]. Ang ganitong katangian ay pinagbubuti sa panahon ng pagaayuno dahil ang mga Muslim ay sinasadyang tanggihan ang kanilang mga makamundong pagnanais [pagkain, inumin at sekswal na pagkikipagtalik] para pataasin ang kanilang mga kaibuturan [kaluluwa] sa isang higit na maka-Diyos na katayuan. Para maunawaan kung paano ito nangyayari, isipin ang bawat tao bilang isang timbangang may dalawang panig: sa isang panig ay ang
katawan, at sa kabilang panig ay ang kaluluwa.

Para mapalusog ang katawan, tayo ay tinitimbang ang diyeta sa pagkain at inumin. Para mapalusog ang kaluluwa,
ginagawa natin ang mga gawaing espiritwal kagaya ng pagdarasal, pagmumuni-muni sa sarili at paggunita sa Diyos. Sa kasamaang-palad, marami sa atin ay labis na nahuhumaling sa pisikal kaya nagtatapos tayo sa pagkakaroon ng hindi malusog na mga pangangatawan. Upang lalo pang lumala ang mga bagay, tayo ay nahahatak pababa kapag
napabayaan natin ang ating espiritwal na mga panig. Bago po natin wakasan ang pagbabasa ay may pabaon po
ako sa inyo .

“When you survive till the evening, do not expect to live until the morning; and when you survive until the morning, do not expect to live until the evening; (do good deeds) when you are in good health before you fall sick, and (do good deeds) as long as you are alive before death strikes”.

Amianan Balita Ngayon