KAILAN KAYA TAYO MATOTOTO?

Napakarami na tayong pinagdaanan natuto ba tayo? O kibit-balikat na lang dahil bahagi tayo ng kamalian? O baka naman dahil naging kalakaran na natin ang buhay na ganito? Alin man dito ang ating kinalalagyan….kalkalin natin mga pards. Bato-bato sa langit muna… Una sa lahat, bubusina muna tayo sa mga taong parang buhay na bato ang kanilang paninindigan na mataas ang kanilang pride at ayaw yumuko at sumuko sa pagkatalo. Ito ang mga taong talunan na ng ay ayaw pa ring tumanggap ng pagkatalo. Pakiramdam niya siya pa rin ang bida na dapat paniwalaan. Ang masakit pa, pards….ipinagmamalaki pa ng mga ganitong uri ng tao ang kanilang matas na pride.

Sabat naman ng mga may pandamdam: hayaan na lang natin sila dahil doon sila masaya. Matototo rin sila kapag tinamaan na sila ng karma at aral na sila rin ang may pakana. Sabi nga sa iluko: mulmulagatanna la ngaruden ti kinapudno…agimbubulag pay laeng. Walang pinag-iba sa mga nahuhuling nakagawa ng krimen – naaktuhan na nga na siya ang may gawa, todo-kaila pa rin. Magngongoso pa ng iba na siya raw may gawa. Para silang mga Kimpitai at Makapili noong panahon ng Hapon. Pasaring naman ng mga Ilokanong pulpol: style mo bulok bro! Netong katatapos lamang na eleksiyon, sandamakmak ang aral na nakuha natin. Una ay ang brown-out na laging sumasabay sa tuwing sa bilangan ng boto. E, bakit di tayo maglaan lagi ng malalaking baterya o generator para may magamit?

May mga napapaulat na natatambangan at sinasabotahe ang pagbibiyahe sa mga balota mula sa mga liblib na lugal. E, di dagdagan ng
seguridad maski pa gumamit tayo ng isang batalyong pulis o sundalo. Iilan lang naman ang mga nananambang o nananabotahe, di ba? Meron pang nakakatawang eksena: ang nanalo daw ay namili ng boto. Kung may prueba..e, bakit di sila ikulong? Meron na bang na-karsel? Naisasantabi naman ang mga kasong ganito at pagsapit na panibagong eleksiyon saka lalabas at pag-uusapan. Tuloy ang ganitong
eksena ay paulit-ulit na lang sa tuwing may halalan. Hinala dito at doon. Yong mga gumawa ng kabulastugan, ngiting-aso samantalang ang mga biktima ay kung saan-saan naghahanap ng mangkukulam para gumanti. Maryusep! Tama na..sobra na!

Kung mga expose ang usapan…hanggang sa ngayon puro imbestigasyon pa rin ang ginagawa. Halimbawa na lang sa isyu ng palusutan sa kustom dahil sa kaway ng illegal na hanapbuhay sa sibuyas at mga kauring ini-import natin. May mga itinuturong mga tao na likud nito. May nabitay na ba? Mga galamay ba nila ay nasupil din o namamayagpag pa rin? Ang masaklap…kulong daw ang mga galamay pero ang
tunay na utak ay nanonood lang sa tabi. Tapos lalabas sa mga ulat na may nasakote at tagumpay daw ang pagkilos ng gobyerno. Sus, maryunes! Agaammotayon, pards. Ang totoo…marami sa atin ang madaling masilaw sa kinang ng pera. Yan ang ginagamait na modus ng mga sindikato. Pera ang puhunan kasi alam nilang diyan tayo talagang mahina.

Sabi nga nila..walang matimtimang birhen sa taos-pusong manalangin. Tsk tsk…ang masakit kung ang panalangin ay may kakambal na
panakot at tripling lagay…tapos ang angal. Yuyuko at magkukunwaring walang nakita, walang nadinig..walang alam. Kailan tayo matototo, pards? Tama yata ang kasabihang kung kailan huli na ang lahat, saka tayo magsisisi. Sabagay, wala naman daw sa una ang
pagsisisi kundi laging nasa huli. Sabagay. Kung ayaw nating matoto sa leksiyon…huwag na lang siguro tayong magsisihan, supalpal ng mga inis na sa kalakaran. Huwag na tayong umatungal dahil tanggap naman daw natin ito. Masakit, pards..pero yan ang katotohanang nakabulagta sa ating harapan at panahon lang ang magsasabi kung kailan ito matatanggap at magawan ng solusyong makatwiran. Adios
mi amor, ciao, mabalos.

Amianan Balita Ngayon