Namumugad sa lalawigan ng Tarlac si Brendon dela Rosa, ang diumano’y tinagurian ni Tarlac police provincial director Col. Miguel Guzman bilang tagapangolekta ng lingguhang payola ng kapulisan mula sa nagkalat na saklaan at peryahan-sugalan sa probinsya. Buti kung hindi naghuhudas si Brendon dela Rosa sa mga amo niyang kapulisan at nakakabot lahat ang inilalaang padulas ng mga sugalang sakla at “color games” na main attractions sa mga peryahan sa Tarlac City at mga bayan ng Capas, Concepcion, Paniqui, at iba pa.
Tiyak na sa kapangyarihang iginawad ni Col. Guzman kay dela Rosa, tiklop si “JoJo” o “Phyton”sa mga kinukumpasan niyang sugalan upang masigurado ang weekly payola para sa mga Mayors, pulisya at iba pang mga nakikinabang dito. Tiyak din na mga mayor na kasosyo ng mga kinukumpasan ni “Jojo/Phyton” na operators ng mga saklaan at pergalan, ay bow ng bow kay dela Rosa dahil kung hindi, magsasarado ang mga iligal na gawaing ito sa probinsya. Multi-milyong iligal na negosyo ang mga nakasalang sa harapan ni Col. Guzman. Sa P5,000 kinukubra ni “Jojo/ Phyton” bawat lamesang saklaan araw-araw mula sa mahigit 80 lamesa, umaabot ng P400K araw-araw o P2.8M kada-linggo ang suma-total na payola ng mga mayor, pulis at iba pa.
Ibang usapan pa ang kinukubra ni “Jojo/Phyton” bawat lamesa araw-araw sa mga pergalan nila “Charlie, Ricky, Lory, Gloria” at iba pa na
nagkalat din sa buong Tarlac. Tiyak naman na sa galing ng mga paniktik ng iba pang mga law enforcement agencies sa Tarlac, ay matagal nang naamoy ang mga iniiukutan ni Brendon dela Rosa gamit ang “authority” ni Tarlac police Director Col. Guzman upang makapangalap ng “padulas/ protection money”. Particular na sa PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na matitindi ang pang-amoy sa
mga iligal na gawain gaya ng mga operasyong kinukumpasan ni “Jojo/ Phyton”, maniniwala ba ang taumbayang walang alam ito? Katulad din ba ito sa POGO complex sa Bamban, Tarlac ni Alice Guo na maang-maangan ang kapulisan pati ang mga local na opisyal ng Tarlac sa
dambulahang operasyong kahit pa man mismong sa ilalim lang ng ilong nila ang sangsang ng iligal na operation?
April 26, 2025
April 26, 2025
April 26, 2025
April 26, 2025
April 26, 2025
April 26, 2025
April 26, 2025