“Kalansing ng salapi sa gitna ng pandemya”

Opinion

Napapanahong maglunsad ng pagsiyasat at pagpapanagot ang PCSO sa liderato ni general manager Royina Garma upang busisiin ang mga paglabag ng mga Authorized Agent Corporation (AAC) sa mandato ng ahensya.

Mismong si GM Garma ang umaaray sa “bookies” ng mga AAC sa Small Town Lottery (STL) at Peryahan ng Bayan (PnB) na nangdidispalko sa nararapat na pumapasok na porsyento ng sales sa pamahalaan, dahil malaking kabawasan ito sa panustos sa mga programang nakatuon sa pagtulong sa mga higit na nangangailangan nating mga kababayan.

Sapagkat sa tuwing piso na bino-bookies, ay pinagkakaikatan ng 30 sentimo ang mga programa ng pamahalaan at napupunta sa tiwali, sa
bulsa ng AAC o sinumang nagkakamal nito.

Lalo nitong pandemya kung saan maraming lugar ang pansamantalang pinagbabawal ang government – accredited gaming products gaya ng STL o PnB, ay tuloy ang palaro kahit pa man tinaguriang “super spreader” ang pagpapataya sa mga bahaybahay at pampublikong lugar
gaya ng sa Narvacan, Ilocos Sur at iba pang bayan ng Ilocos Sur na nasa ECQ.

Sadyang tuso ba talaga ang mga tauhan ni Felicisimo “Bong” Artajos ng S Grande Corporation? O hindi alam ni Artajos ang mga galaw ni “Butch Singson” na marahil maglugmok sa kanselasyon ng ACC dahil sa mga paglabag? Katulad ding nakakarindi ang sitwasyon sa Cagayan na binabagabag din ng pagtaas ng bilang ng kaso ng Covid.

Walang puknat ang “super spreader” activities ng Globaltech Gaming Corporation sa palaro nitong “Peryahan ng Bayan” (jueteng sa ibang katawagan lang).

Wala din namang pakialam ang kapulisan at iba pang law enforcement agencies upang sawatain ito!

Ang pinakamasakit — ang pagwawalang bahala sa mga panuntunan gaya ng pagbabawal sa mga aktibidades na ‘di “essential”, ay ang tuluyan nang magbubunsod ng natibag nang tiwala sa batas, pamunuan at kumpyansa sa pamahalaan.

Ang kawalang tiwala sa pamahalaan ay isang isyung pambansang seguridad!