Kalayaan Ipinaglaban

Nagkaroon ng tensiyon sa pagitan ng kapulisan at mga protester habang nagsasagawa ng rally ang ilang estudyante at aktibista ng Anakpawis sa harap ng University of the Philippines Baguio.
Dahilan ito sa pakikipagsabayan ng pulisya na pag gamit ng megaphone habang nagsasalita ang lider na tagapagsalita, nakiusap ang ilang protester na kung maaari ay huwag naman sana isabay ang pag gamit nila ng megaphone dahil hindi anya maitindihan at nagiging sanhi lamang na ingay ito. Subalit hindi ito pinakinggan ng pulis na nasa patrol car, kung kaya pilit na tinatakpan na lang ng protester ang megaphone hanggang sa kalaunan ay lumisan rin ang mga pulis.
MAR OCLAMAN/ABN
 

Amianan Balita Ngayon