KALAYAAN 2025 JOB FAIR – sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Baguio at Department of Labor and Employment – Cordillera (DOLE – CAR) sa pamamagitan ng Public Employment Service Office at SM City Baguio, ay nagsagawa ng Kalayaan Jobs Fair sa SM Mall Atrium noong Hunyo 12, 2025.Halos isang libong bakanteng trabaho ang inialok ng 18 business establishments.
Photo Courtesy DOLE-CAR/PIA-Baguio
BAGUIO CITY
Ang Kalayaan Job Fair sa SM City Baguio ay hindi lamang nag-aalok ng trabaho, kundi nagpo-promote ng skills development upang mapahusay ang kakayahan ng mga aplikante sa lokal na job market, na ginanap noong Hunyo 12. Ang job fair ay nagsisilbing plataporma para sa mga aplikante na magkaroon ng access sa mga skills workshops na nagtuturo ng mga kasanayan sa modernong industriya. Pinagtibay nito ang kahalagahan ng digital literacy at soft skills. Ipinakita ng DOLE at PESO ang mga training modules upang tulungan ang mga Baguioeno na makahanap ng tamang career path.
Nagbigay din sila ng mga gabay sa job search strategies at tamang resume building. Tinutok ng mga employer ang paghahanap ng mga aplikante na may kasanayan sa emerging sectors tulad ng tech, customer service, at digital marketing. Pinapalakas nito ang lakas-paggawa ng Baguio para sa mga makabagong industriya. Ang mga kumpanya tulad ng SM Supermarket, Jollibee, McDonald’s, Convergys, at Teleperformance ay kabilang sa mga lumahok, na nagbigay ng mga on-the-spot hiring opportunities para sa mga aplikante sa iba’t ibang industriya. Higit pa sa on-the-spot hiring, ang mga aplikante ay natututo ng mga makabagong kasanayan sa kanilang mga industriya.
Ang mga career coaching at mentoring sessions ay nagbigay ng personal na gabay sa bawat job seeker. “Sa tulong ng mga skills workshops at career coaching, nahanap ko ang tamang path para sa aking career. Mas confident na akong mag-apply sa mga bagong trabaho at may
mga natutunan akong bagong kasanayan,” sabi ni Marie Cariño , isang job seeker. Sa huli, ang job fair ay naging mahalagang hakbang
para sa pagbuo ng competitive workforce sa Baguio, na may kasamang economic growth at patuloy na skills enhancement para sa pangmatagalang pag-unlad ng komunidad. Sa pamamagitan ng Kalayaan Job Fair, mas pinapalakas ang local economy at napalawak ang employment opportunities sa Baguio, na makakatulong sa pagpapabuti ng kalidad ng buhay para sa mga Baguioen.
Jhomel Keith Nuezca/UC-Intern
June 14, 2025
June 14, 2025
June 14, 2025
June 14, 2025
June 14, 2025