Nakukulangan ang taumbayan sa sigla at aktwal na pagsawata ng pambansang pulisya kontra -e-sabong o online sabong, sa kabila ng mga pampublikong pahayag ng pambansang pulisya kontra
dito. Kahit nakatalaga na ang isang technical na AntiCybercrime Group na nakatututok mismo sa mga illigalidad na kinasasangkutan ng cyber operations, ay tila abala din ito kontra sa naglipanang iligalidad na gamit ang cyberspace.
Ngunit sa laki at lawak ng cyberspace kung tutuusin kumpara sa patrolya ng kapulisan sa mga kalsada bilang crime detection and prevention, lubhang napakalaking trabaho ang anti-cybercrime, kasama na ang mga krimen na gamit ang cyber technology. Ayon sa pulisya, gumagamit ang ACG ng dalawang sungay kontra esabong. Una’y ang pagdiskubre sa e-sabong sites kung saan ang mga lokasyon kung saan ginaganap ang mga sabong na vine-videohan at pinagpupustahan at pag-take
down sa mga ito sa web.
Ngunit tila kulang ang sigla ng kampanya kontra esabong dahil mismong ang pinakamalaking nagpapa-esabong ang hindi madetect at masawata noong simula’tsimula pa lamang. Lubhang mas matatalino ba ang mga nakatalagang cyber-operatives ng mga esabong operators gaya nang sugarol-businessman na si AA kumpara sa mga cyberoperatives ng PNP, Department of Information and Communications Technology, dahilan kung bakit nauungusan ang kampanya kontra dito at patuloy ang bilyong negosyong ito?
Sa bahagi naman ng mga lugar, na ayon kay PNP Chief Benjamin Acorda’y, nagaganap sa mga liblib na lugar, dahil na naman ba sa “failure of intelligence” kung kaya’t hindi matukoy kung saan ginaganap ang mga e-sabong fights? Relatibong matagal-tagal na rin naman itong e-sabong operations sa buong bansa, at tiyak nabuo na rin ng intelligence community ang sapat ng impormasyon at analysis ukol dito na giya ng tumpak na istratehiya ng law enforcement operations upang masawata ito.
Sa mata ng taumbayan nanatiling kulang sa sigla ang kampanya kontra sa e-sabong, sa kabila ng masigabong negosyong pinangungunahan pa ng mga kilalang sugarol, malapit sa pulitiko at mismong mga pulitikong kasangkot at kinasasangkapan upang yumabong ito.
July 15, 2023
December 9, 2024
December 9, 2024
December 9, 2024
December 9, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024