Kandidato sa pagka-barangay chairman, bumili ng boto

Nagpunta sa Laoag City Police Station ang isang 32anyos na dalaga, residente ng Brgy. 27, Laoag City, Ilocos Norte bandang 1pm ng Mayo 8, 2018 upang iulat na siya’y naging biktima ng vote buying sa kanilang barangay.
Ayon sa nagreklamo, nasa bahay siya nang magpunta ang tumatakbong barangay chairman na si Fereeza Felipe aka ‘Isang’, residente ng parehong barangay, bandang 8am ng parehong araw. Iniabot ni Felipe ang election paraphernalia (polyetos) at P1,000. Tinanong umano ng nagreklamong botante ang kandidato kung para saan ang pera na sinagot naman nito na pabor iyon para iboto siya. Agad na ibinalik ng botante ang pera kay Felipe ngunit ipinilit nitong tanggapin niya. Agad na umalis si Felipe sa lugar.
Ang mga nasabing paraphernalia at halagang P1,000 ay boluntaryong isinurender sa Laoag CPS para sa tamang disposisyon. Gayundin, inihahanda na ang mga kaukulang dokumento para sa kasong ipipila sa korte sa paglabag ng Omnibus Election Code of the Philippines kaugnay ng Comelec Resolution No. 10246 o vote buying.
 

Amianan Balita Ngayon