Kanser, pangunahing sanhi ng mortalidad sa lungsod

LUNGSOD NG BAGUIO – Kanser ang pangunahing sanhi ng kamatayan ng tao sa lungsod, ayon sa datos ng Baguio City Health Services.
Ayon sa pahayag kamakailan lamang ni Medical Officer Donnabel Tubera, ikinagulat nila ang impormasyon na ito sapagkat sa nakalipas na humigit kumulang 15 taon ay nangunguna ang stroke o di kaya ay heart disease.
“Bigla kaming nagulat na ang leading cause of death na ng Baguio City is cancer, it was not like this before, it was stroke or heart disease, they just interchange together for the past 15 years if I am not mistaken,” ani Tubera.
Sinabi din niya na ang pangunguna ng kanser ay nagsimula lamang noong 2017-2018 at nararapat lamang na malaman ng tao ito sapagkat karamihan sa uri ng kanser ay pwedeng maagapan.
“So this is something na kailangan ma-aware tayo because most of these cancers are preventable with early screening, pap smear for cervical cancer; we quit smoking to prevent lung cancer; breast self-examination for prevention of breast cancer.
These are all preventable and we can do something about that,” dagdag pa ni Tubera.
Sinabi din niya na ang babala na ito ay para maipabatid ang kalagayan ng siyudad at mamulat ang mata ng tao na panatiliin ang matiwasay na pamumuhay o healthy lifestyle.
 
Samantha T. Carrera, UC Intern/ABN

Amianan Balita Ngayon