Kapit-bisig ng pulis at transport group, hiniling

Hiniling ni Mayor Mauricio Domogan sa isang pulong noong nakaraang linggo ang kooperasyon at tamang koordinasyon sa pagitan ng iba’t ibang ahensiya ng Baguio City Police Office (BCPO), public vehicle operators at drivers, upang tumulong na maresolba o kahit mabawasan ang problema sa trapiko ng lungsod.
Nilinaw ng mayor na ang road network ng lungsod ay ginawa para sa 25,000 na populasyon noong early 1900s na inihambing niya sa populasyon ng lungsod ngayon na tinatayang 415,000 at may dagdag na 110,000 na mga negosyante at mas maraming turista sa araw.
Limitado lamang ang bilang ng mga sasakyan na maaaring gumamit sa road network, kung kaya’t inaasahan ang pagsisikip, aniya.
Ang disiplina ng mga driver na madalas sa kalye, pagsunod sa parking rules and regulations, at number coding ordinance, at ang roadworthiness ng mga sasakyan tulad ng smoke-belching control ordinance ay kinakailangan, dagdag ng mayor.
Dapat magkaroon ng pag-aalala para sa kalusugan ng lahat, dahil ayon sa city health authorities, ang polusyon ng hangin ay nakakapagdulot ng respiratory illnesses sa tao ayon sa mga tala, aniya.
Nabanggit din ng mayor ang pagsisigarilyo ay ipinagbabawal sa mga public utility vehicle, maski sa mga driver.
Ang mga abusadong driver ay maaaring isumbong sa otoridad, kung sila’y lumabag sa rules and regulations.
Sumang-ayon din si Baguio City Police Office Director Ramil Saculles sa sinabi ng mayor at humiling siya ng road courtesy, disiplina sa mga driver at pagsusuri sa mga suhestiyon mula sa PUV operators at drivers. Isang proposal sa pamamagitan ng Transport and Traffic Management Committee ng Sangguniang Panlungsod ay magiging mainam para sa mga suhestiyon na ibibigay sa parking spaces at critical areas. JGFIANZA / ABN

Amianan Balita Ngayon