Karagdagang pulis itinalaga sa Pangasinan para sa halalan

LUNGSOD NG BAGUIO – Nasa 88 pulis ang magsisilbi bilang augmentation force sa probinsiya upang magpatrol sa kahabaan ng national highways at magsagawa ng random border checkpoints habang papalapit ang halalan.
Sinabi ni Pangasinan Police Provincial Office (PPPO) director Col. Richmond Tadina na ang mga nasabing pulis ay nagtapos mula sa field training programs sa Rehiyon ng Ilocos.
“There are municipalities that have grown in population following the recent census conducted thus this is one of the considerations to add manpower to these areas,” aniya sa isang virtual forum na pinangunahan ng Philippine Information Agency noong Huwebes.
Sinabi ni Tadina na 17 iba pang lokalidad ay ikinokonsidera bilang areas of concern sa halalan sa Mayo 9, maliban sa tatlong immediate concern dahil sa mga insidente ng mga nakaraang eleksiyon.
“These areas will also need an additional police force to ensure a peaceful and safe election,” aniya.
Samantala ay sisimulan nang alisin ng PPPO, kasama ang Commission on Elections, ang mga iligal na election posters ng mga national candidates sa Pebrero 8. Nauna dito, may 59 personnel at 11 chief of police sa probinsiya ang inilipat kaugnay ng eleksiyon sa Mayo para sa national at local elections.
“They were rotated in different areas to remove the influence of the police personnel in the respective areas,” sinabi ni Tadina sa isang kamakailang panayam.
(HA-PNA Ilocos/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon