Upang masiguro ang kaligtasan ng mga motoristang naglalakbay sa pamosong Kennon Road ay lumikha ang konseho ng lungsod ng isang resolusyon na humihiling sa Department of Public Works and Highways–Cordillera Administrative Region (DPWH-CAR) ng karagdagang safety measures dito.
Hiniling ng konseho na agad maglagay ang DPWH-CAR ng mga karagdagang road safety o precautionary signages at iba pang safety measures sa kahabaan ng Kennon Road.
Nakasaad sa resolusyon na iniakda ni Vice-Mayor Edison Bilog na masisiguro ng hakbang na ito ang kaligtasan ng mga motoristang dumadaan sa makasaysayang highway.
Ayon pa sa resolusyon, ang sunod-sunod na aksidente ng mga sasakyan na nangyari sa Kennon Road sa nakalipas na mga buwan ay nagdulot ng pagkabahala sa mga residente ng lungsod.
Tinukoy ang mga ulat mula sa mga news at law enforcement agencies na ilang mga aksidente ay dahil sa pagkakamali ng drivers, hindi pamilyar sa terrain ng lugar, at kawalan o kakulangan ng road safety signs at ibang precautionary signs.
“Additional road safety or precautionary signages such as advisories to avoid using Kennon Road on rainy days and other safety measures such as rock netting to prevent rock slides should be installed at the area to ensure the safety of motorists traversing the highway,” pagdiriin ng resolusyon.
Ang Kennon Road ang pangunahing daan papunta at palabas ng lungsod mula pa noong ikalawang pandaigdigang digmaan at dahil sa pagdaan ng panahon, bagyo at kalamidad ay unti-unti ng naging “accident prone area” ito lalo na sa panahon ng tag-ulan.
May mga planong i-rehabilitate ang Kennon Road pero hanggang ngayon ay wala pang konkretong hakbang ukol dito.
Samantala ay isinusulong din na hiranging heritage site ang Kennon Road. ABN
August 7, 2018
August 7, 2018
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025