KARAPATAN AT HUSTISYA…. ALIN ANG MATIMBANG?

Muling masusubok ang timbang ng KARAPATAN at HUSTISYA sa pamamagitan ng nagaganap na ICC kontra DUTERTE. Mabigat ang
labanan dahil ang akusasyon ay hindi basta-basta kaso: kasong Crime against Humanity. Ating kaliskisan sa praktikal na pananaw dahil hindi tayo legal na luminaryo: Una sa lahat… magpapasintabi muna ang Daplis, BARIBARI APO…o sa tagalog – BATO-BATO SA LANGIT. Ratsada ng Daplis: ano kaya ang magiging ENDING o KATAPUSAN sa labang ICC kontra DUTERTE? Ang sabi, kararating lang daw sa The Hage, Netherlands ang dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte…may nagpupustahan na. Maryusep! Aba’y nagsisipagpustahan na kung sino raw ang lalabas na bida o mananalo: ICC o Duterte?

Malamang kaysa sa hindi…dahil Pilipino tayo, maaring maraming Pinoy ang kakabig kay Duterte. Pero di rin maisasantabi na kakabig sa ICC ang mga biktima, mga taong may nalalaman sa legalidad o HUSTISYA at may simpatya sa KARAPATAN. Kung kami ang tatanungin… iisa lang ang aming pakiusap…. MANIMBANG at sundan ang lahat ng kabanata sa isyung ito dahil napakaselan at masalimuot. Nakasalalay dito ang bigat ng nagsasagupaang isyu- ang KARAPATAN at HUSTISYA. Nasa kostudiya na ng ICC sa pamamagitan ng Interpol (International Police) ang dating Pangulong Duterte at ayon sa ulat, gugulong ang paglilitis sa Setyembre 23, 2025.

So, mula ngayun hanggang sa naturang petsa…mga preparasyon at pagsasalansan ng mga ebidensiya kontra ebindensiya ang gagawin ng
magkabilang panig. Maglalabasan na ang mga isyu tungkol sa kung bakit nadala ang dating pangulo sa ibayong dagat at doon lilitisin. Ang
praktikal na tanong ng ating kababayan ay- bakit sa labas ng bansa lilitisin ang akusado samantalang may mga korte naman tayo sa ating bansa? Matitindi ang mga legal na opinyon at paninindigan ang nagsilabasan kasama na ang mga praktikal na kaalaman. Suma-total…lumalabas na mas matimbang ang paninindigan na “kasi may mga biktima ang nagpasaklolo sa kamay ng korte-international (ICC) at
hindi sa mga korte ng Pilipinas”.

Ikalawang tanong: BAKIT? Maaring nasa hanay na ng mga nag-aakusa (biktima ng EJK) ang kasagutan. Sa kasalukuyan…dayuhan ng magiging legal counsel o abogado ni Duterte at bubuo na ito ng kanyang team o brigada. Ibig sabihin na wala kina Mideldia, VP Sara, o Atty. Roque ang kasama sa legal team para ipagtanggol ang dating pangulo. Pinauuwi ng ating bansa si Atty. Harry Roque upang sagutin at panagutin sa mga nakapilang kaso laban sa kanya hinggil sa operasyong illegal ng POGO na hanggang sa kasalukuyan ay di pa rin tapos.
Pangungumosta na lamang sa situasyon ng dating Pangulong Duterte ang nabatid sa nakalipas na mga araw.

Ito ay binigyan ng larawan naman ng kanyang anak na si VP Sara na nakuha ng media sa The Hague. Nasa pagamutan daw diumano ang dating pangulo. Di daw naibigay sa kanya ang kanyang mga gamot. Pati sa pagkain kanya ring naidaing dahil hinahanap niya ang
kanyang mga paboritong pagkain. Nang matanong kung dapat bang pupunta rin ang iba pang mga anak ng dating pangulo roon at bisitahin siya, nagpasya ang dating pangulo na huwag na lang. Praktikal ang pananaw ni Digong: ano nga bang maitutulong ng kanyang
angkan o pamilya sa kanyang kalagayan sa ngayon. Isang batikang abogado ang dating pangulo kaya alam niya ang kalakaran ng hustisya hinggil sa karapatan at legalidad. Iisa lang ang amuki ng Daplis: abangan t unawain ang mga susunod na kabanata. Adios mi amor, ciao, mabalos.

Amianan Balita Ngayon