KASALANG BAYAN, ISINAGAWA SA MANGALDAN, PANGASINAN

MANGALDAN , Pangasinan

May kabuuang 53 magkasintahan ang sabay-sabay nag-isang dibdib sa bayan ng Mangaldan,
Pangasinan noong Pebrero 13. Ang Mass Wedding na pinangasiwaan ni Mayor Bona Fe de Vera-Parayno kaugnay sa selebrasyon ng Valentine day at parte ng aktibidad ng Pindang Festival, na ginanap sa Mangaldan Public Auditorium. Ito ay handog para sa mga Mangaldenans na nagnanais
maikasal ngunit hindi sapat ang kakahayan upang maisakatuparan ang pangarap nilang kasal .

“Ano man ang kanyang kapintasan at magiging kapintasan ay handa mo siyang patatawarin, iintindihin at mamahalin muli at muli. Yan po ang tunay na pagibig, handa kang magpatawad, handa kang umintindi at magmahal ng walang hanggan. Sana malinaw po sainyo ang konsepto ng pag-ibig at pagmamahal” mensahe ni Parayno. Ang kasalang bayan, ang hudyat ng pagsisimula ng iba’t ibang aktibidad para sa nalalapit na Pindang Festival 2023.

Godwin Anthony Niduza/UB Intern/ABN

Amianan Balita Ngayon