LUNGSOD NG BAGUIO – Iniulat ng Department of Health-Cordillera office (DOH-CAR) ang 72 porisyentong pagbaba sa kaso dengue fever sa buong rehiyon matapos maitala nito ang 208 lamang na kaso sa unang apat na linggo nga taong ito kumpara sa 759 kaso naidokumento ng ahensiya sa parehong peryodo ng nakaraang taon.
Base sa nakuhang datos mula sa DOH-CAR regional epidemiology and surveillance unit (RESU), ang bilang ng dengue-related deaths sa unang apat na linggo ng taong ito ay bumaba sa 1 kumpara sa 3 naitalang pagkamatay sa parehong panahon ng nakaraang taon.
Ang naiulat na mga kaso ng dengue sa taong ito ay mula sa Benguet – 92 o 13porsiyento pagtaas; Apayao – 36 o 70 porsiyento pagbaba; Kalinga -27 o 59 porsiyento pagbaba; Baguio City – 26 o 7 porsiyento pagbaba; Abra at Ifugao – 4 o 93 porsiyento pagbaba bawat isa; Mountain Province – 1 o 97 porsiyento pagbaba at non-CAR provinces – 18 o 93 porsiyento pagbaba.
Sinabi ng mga awtoridad ng kalusugan na may 131 lalaki ang tinamaan ng sakit na katumbas ng 63 porsiyento ng kabuuang bilang ng mga kaso na naidokumento.
Ayon sa ulat ng RESU, ang age range ng tinamaan ng dengue ay mula 10 buwan hanggang 84 taong gulang na may median na 20 taong gulang.
Isa pa, binigyang pansin din ng mga awtoridad ng kalusugan ang clustering ng mga kaso ng dengue fever sa mga probinsiya ng Apayao, Benguet at Kalinga.
Dati, ang dengue fever ay karaniwang sinusunod ang isang cyclic trend ngunit sa ngayon, ang dengue ay naging isang-taong sakit nan a nagiging seryosong banta sa buhay ng mga tao na hindi agad nabigyan ng kaukulang atensiyong medikal.
Samantala, iniulat din ng DOH-CAR ang pagbaba ng mga kaso ng typhoid fever sa rehiyon ng 48 porsiyento matapos makapagtala ang ahensiya ng nasa 152 kaso sa unang apat na linggo ng taong ito kumpara sa 294 kaso na naidokumento sa parehong panahon ng nakaraang taon.
Base sa nakuhang datos mula sa DOH-CAR regional epidemiology and surveillance unit (RESU) walang typhoid fever related na pagkamatay sa panahon ng surveillance period sa taong ito at maging ng nakaraang taon.
Ang mga kaso ng typhoid fever ay mula sa Benguet – 65 o 17 percent decrease; Kalinga – 37 o 5 percent decrease; Apayao – 33 o 200 percent increase; Baguio city – 5 o 69 percent decrease; Abra – 3 o 63 percent decrease; Ifugao – 2 o 91 percent decrease; Mountain Province – 1 o 91 percent decrease at non-CAR provinces – 6 o walang pagbabagong naitala.
Ayon sa DOH-CAR may 8 lalaki ang tinamaan ng sakit na kumakatawan sa 71 porsiyento ng kabuuang apektadong tao. Ayon sa ulat ng RESU, ang age range ng mga apektadong indibiduwal ay mula 1 buwan hanggang 83 taong gulang na may median na 21 taong gulang.
Sinabi ng mga eksperto sa kalusugan na ang typhoid fever ay isang systematic bacterial disease na may mapaminsalang pagkakaroon ng lagnat, matinding sakit ng ulo, pananamlay, anorexia, splenomegaly,non productive cough sa early stage ng sakit at constipation na mas madalas kaysa diarrhea sa matatanda.
Ang impeksiyon ayon sa mga awtoridad ay naihahawa sa pamamagitan ng pagkain ng kontaminadong dumi, pagkain at tubig.
Ilan sa mga preventive measures na kailangang ugaliin ay hadlangan ang mga taong mahawaan ng nakakamatay na sakit kabilang ang tamang paghuhugas bago maghanda ng mga pagkain, bago kumain, matapos gamitin ang palikuran, panatilihin ang mataas na antas ng pansariling kalinisan, panatilihin ang malinis na paghahanda ng mga pagkain, food handling at food storage, lalo na sa mga salad at iba pang malamig na pagkain at iulat ang lahat ng kaso ng diarrhea.
Ang typhoid fever ay sanhi ng Salmonella typhi bacteria. Ito ay bihira sa industrialized countries, subalit nananatiling isang seryosong banta sa kalusugan sa developing countries lalo na sa mga bata.
DAS-PIO/PMCJr./ABN
February 10, 2020
May 3, 2025
May 3, 2025
May 3, 2025