LUNGSOD NG BAGUIO – Tumaas ang mga kaso ng dengue fever ng 61% mula Enero 1 hanggang Setyembre 9 at apat ang namatay sa naitalang 474 kaso, kumpara sa 294 kaso na naitala sa parehong panahon noong nakaraang taon.
Sinabi ni City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) Head at Dengue Program Coordinator Donnabel Tubera na ang unang biktima ay isang 81 taong gulang lalaki mula sa East Modern Site barangay na namatay isang araw matapos ma-admit sa SLU Hospital of the Sacred Heart noong Mayo.
Pangalawa ang isang 62 taong gulang na lalaki mula Manuel M. Roxas barangay na namatay noong Mayo 1, apat na araw matapos ma-admit sa Baguio General Hospital and Medical Center.
Ang dalawang iba pang biktima ay isang 54 taong gulang na babae mula Holyghost Proper barangay na namatay noong Agosto 2 matapos ang isang araw na pagkaratay sa BGH, at isang siyam na taong gulang na babae mula Irisan barangay na namatay naman noong Setyembre 1 matapos ang sampung araw na pagkakaratay sa BGH.
Ang edad ng mga pasyente ay mula 21 araw hanggang 88 taong gulang na may median na 24 taong gulang. Karamihan (54.9%) ng mga kaso ay mga lalaki.
Ang clustering ng mga kaso ay binigyang-pansin din sa 17 barangay: ABCR; Pinsao Proper; Loakan Proper; Camp 7; Honeymoon-Holyghost; Asin Road; Bakakeng Central; St. Joseph Village; Irisan; San Luis Village; Liwanag-Loakan; Holyghost Ext.; Middle Rock Quarry; Aurora Hill Proper; Dontogan; Lopez Jaena; at Sto. Tomas Proper.
Sinabi ni Tubera na ang bilang ng mga kaso ay nag-umpisang bumaba base sa nakaraang datos ngunit nananatiling nakaka-alarma dahil sa mga pagkamatay.
Pinaalalahanan ni Mayor Benjamin Magalong at City Health Officer Dr. Rowena Galpo ang publiko na ipagpatuloy na gawin ang mga anti-dengue measure partikular ang mga nakasaad sa Ordinance No. 66 series of 2016 na “Anti-Dengue Ordinance of the City of Baguio.”
Hinimok din nila ang pagsunod sa kampanya laban sa dengue ng Department of Health na “Mag 4S Kontra Dengue (4S: Search and destroy breeding places; Self-protection measures; Seek early consultation; and Support spraying to prevent impending diseases).”
Aileen P. Refuerzo, PIO-Baguio/PMCJr.-ABN
September 16, 2019
September 16, 2019
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025