BAGUIO CITY – Isinampa ang kasong murder kay Renevel Ponce at isa pang suspek na nakilala lamang
sa pangalang “Eminem matapos aminin ng pangunahing suspek ang pagpatay sa babaeng itinapon sa isang garahe sa Barangay Alfonso Tabora,Baguio City noong Agosto 30. Makaraan ang isang linggo
sa naganap na krimen nang matagpuan ang bangkay ni Juliet “Shane” Hesim,22, ay boluntaryong sumuko si Ponce, 31,kasama ang kanyang partner na si Babylyn Domingo na nagtungo sa Manila Police District Homicide Section noong Setyembre 7.
Ipinaalam din Manila Police District personnel sa Baguio City Police Office na hawak na nila ang suspek na si Ponce ay handang magsumite ng extra-judicial confession kaugnay sa pagkamatay ni Hesim.
Sa ipinalabas na affidavit ni Ponce nitong Styemvbre 9, sinabi nito na umaamin siya sa kanyang partisipasyon sa pagpatay kay Hesim noong Agosto 29 sa kanyang inuupahang kuwarto sa Posadas Building sa Tabora Barangay.
Isinalaysay ni Ponce, noong gabi ng Agosto 29 ay natagpuan niya si Hesim sa isang Facebook Group na
nagpo-post para sa mga masahista. Matapos makipag-ayos sa bayad ay inutusan ni Ponce si Hesim na pumunta sa Trancoville upang makipagkita sa kanya. Sa CCTV footage na hawak ng pulisya, nakita si
Ponce sa kabilang kalsada sa harap ng Posadas Compound na naghihintay sa biktima na nakitang bumaba ng taksi at tumatawid sa kalsada patungo sa suspek.
Nakita din sa CCTV na pumasok sila sa building ng inuupahan ng suspek at iyon ang huling pagkakataong na nakitang buhay si Hesim.Pumasok sila sa room 202 at ipinakilala ang isang suspek na si “Eminem”.
Nagkaroon umano ng arugmento sina “Eminem” at Hesim kaugnay sa gustong mangyari na ikinagalit ng
biktima. Ayon kay ponce, sinuntok ni “Eminem” ang biktima sa tiyan at tumumba sa sahig agad hinawakan ni Ponce si Hesim at nilagyan ng duct tape sa bibig habang hinuhubaran ni “Eminem”. Nagmakaawa umano ang biktima sa mga suspek subalit hindi umano nakinig si “Eminem”.
Sinabi ni Ponce na nakaramdam siya ng takot at umatras siya sa sulok ng silid batay sa kanyang sinumpaang testimonya. Sa pagkakataong ito ay kinuha ni “Eminem” ang sinturon na nasa tabi ng foam
at ikinabit ito ng dalawang beses sa leeg ni Hesim at hinila ito ng malakas hanggang sa makita ni Ponce ang mga binti ni Hesim na huminto sa pagpupumiglas. Sinabi ni Ponce kay “Eminem” na i-double check
kung humihinga pa si Hesim at pinatalikod siya at dinama ang kanyang tiyan. Nangyari ang lahat ng ito
habang pareho silang high sa droga. Sinabi ni Ponce na kumuha sila ni “Eminem” ng “shabu” bago makipagkita kay Hesim.
Sinabi ni Ponce na hindi niya alam kung si “Eminem’ ang nag-sexual assault sa biktima matapos siyang patayin. Dahil iniwan niya si “Eminem” na nakahandusay pa rin ang katawan ng biktima sa foam sa sahig.
Sinabi niya na umalis siya patungong Puguis sa La Trinidad kung saan siya nagtatrabaho at nanatili doon
hanggang Setyembre 3 bago muling umalis at nagtungo sa Pasay City. Sinabi ni “Eminem” kay Ponce sa pamamagitan ng FB messenger ang balita ng pagkakatuklas ng bangkay ni si Hesim kinabukasan ng
krimen.
Si Ponce ay tinulungan ng mga abogadong sina Reinaur Aluning at Orlando Tenorio, Jr. mula sa Integrated
Bar of the Philippines (IBP) Baguio-Benguet Chapter na libreng serbisyong legal at pinayuhan ang kanyang mga legal na karapatan bago isagawa ang kanyang pagamin sa mga imbestigador ng Baguio City Police Office Station 2 at bago pa man manumpa kay Baguio City Prosecutor Immanuel Awisan.
Hustisiya
Nauna dito, nagtungo sa BCPO ang pamilya at mga kaanak ni Hesim noong Setyembre 9, para magsilbing
complainant sa kaso, matapos malaman ang pagsuko si Ponce at partner nito. “Sana maibalik ang death
penalty at kung hindi, mabulok sila sa kulungan para sa hustisya para sa aming pamilya, lalo na sa
aming dalawang anak,” ayon sa pahayag ni Jomar Ventura, ang partner ni Juliet. Umaasa din si Ventura na madakip din ang isa pang suspek upang makamit nila ang buong hustisya.
Naging emosyonal ang nagdadalamhating ama ng biktima na si Jose Hesim, sinabing hindi matatawaran ang ginawa ng mga kriminal sa kanyang anak at gusto nilang gawin din ito sa mga pumatay sa kanya.
Ang kasong murder ay naisampa na sa korte noong Setyembre laban kay Ponce at “Eminem”.
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025