KILALANIN ANG SUMISIKAT NA VIRAL PHOTOGRAPHER-VLOGGER NG BAGUIO

B AGUIO CITY

Nag mimistulang photo studio ang Session Road tuwing Linggo. Dahil marami ang nag-aabang sa
kanya at umaasang makakuha ng litrato mula sa kaniya. Si Karl Patacsil, isang sumisikat na viral
photographer-vlogger sa lungsod na ang kanyang mga modelo ay mga cosplayers o kaya naman mga modelo na tila bang kakaiba ang paraan ng kanilang pananamit. Naging isang hamon sa kanya ang panahon ng pandemya, sapagkat hindi pa freelancing ang kanyang pinagkakakitaan noon.

“Nag wo-work pa ako kay mother ko doon sa marketplace, and then mahirap talaga pero pagkatapos ng trabaho, I was doing this passion project, yung film,” pahayag ni Patacsil. Tunay itong nagbigay ng galak kay Patacsil, dahil sagana ang suportang natatanggap niya sa paggawa ng content. Noong siya ay nag-umpisa sa freelancing, mayroon lamang siyang 100 followers sa kanyang Facebook page at ang video content niya ay umaabot lamang ng isang-libong views.

Sa kasalukuyan, ito’y umaabot na ng tatlo hanggang sampung milyong views. Ayon kay Patacsil, passion para sa kanya ang photography noon pang taong 2012. “Masaya naman ako dahil marami nang sumusuporta eh, so iba na yung feeling. Feel ko di ko rin deserve kasi mas marami pang magagaling na photographers. Pero, andito na kasi tayo. So maraming nakakakita. So ang gagawin ko na lang is to improve, improve and improve, and then to inspire others.”

Dahil mas laganap ngayon ang photography-vlogging, mayroon siyang mensahe para sa mga nangangarap na maging photographer-vlogger na tulad niya. “At first do it for yourself, improve your shots, improve your art, and darating na lang yung tamang tao para suportahan ka and siya yung mag grow.. siya yung mag bui-build. One of the persons na magbui-build sa business mo until mag pile or stack up yung mga taong sumusuporta sa’yo.”

Ron Christian Nacionales-UB Intern/ABN

Amianan Balita Ngayon