CAMP DANGWA La Trinidad – Tinutugis na ng mga police ng Abra ang mga suspek sa pagpatay sa isang punong barangay ng Bangued, Abra gabi ng Linggo (Setyembre 13).
“Witnesses positively identified them,” ani Abra police director Col. Cris Acop na pinangalanan sina tricycle driver Jerwin Balaoro Millare, 32; magkapatid na Danilo Baldemor Bergonia, 34 at Julius Baldemor Bergonia, 24; tricycle driver Michael Lombo, 33; lahat mula sa Barangay Lingtan, Bangued, Abra at Clifford Laureta Melu, 24 mula Brgy. Patucannay, sa Bangued rin, na sumaksak hanggang mamatay kay Barangay Lingtan Chairman Claudio Bardadillo Bobias, 56, gabi ng Linggo.
Sinabi ni Acop na ang barangay chairman kasama si LGU security guard Rodel Balaoro, 40 ay nag-iinuman sa harap ng isang sari-sari store nan gang limang suspek na mula sa isang birthday party sa kalapit na bahay ay dumaan.
Diumano’y inimbitahan ng opisyal ng barangay ang lima sa samahan sila. Ngunit habang nag-iinuman na sila ay biglang salitang hinampas sa ulo ang barangay chairman ng mga bote ng Red Horse beer at Ginebra San Migue gin at sinaksak siya ng ilang beses.
Ang punong barangay na hindi na umabot sa ospital ng buhay ay nagtamo ng maraming saksak sa leeg, dibdib at likuran, ayon kay Acop. Sinabi ng Abra police na maaaring gumanti ang magkapatid na Begornia sa pagkakapatay sa kanilang malapit na kamag-anak ng barangay chairman noong Abril bagama’t nagkaayos ang opisyal at kamag-anak ng napaslang matapos makulong ang barangay chairman ng apat na buwan.
AAD/PMCJr.-ABN
September 19, 2020
September 20, 2020
May 10, 2025
May 10, 2025
May 10, 2025