LUNGSOD BAGUIO – Nakitang nagkasala ang pumatay kay radio broadcaster Jovelito Agustin, kilala rin bilang “Aksyon Lito” sa salang “murder” at nasintensiyahan ng habangbuhay na pagkaka bilanggo ng korte.
Ang hatol na guilty ay nagmarkang ika-50 conviction sa isang akusado sa pagpatay sa isang mamamahayag sa bansa, sabi ni Undersecretary Joel Egco, ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS).
Sa isang 15-pahinang hatol na ibinaba noong Martes (Enero 2), nakita ni Judge Romeo E. Agacita ng Branch 27 ng San Fernando, La Union Regional Trial Court (RTC) na walang rason kung bakit si Leonardo Banaag Jr. ay hindi makukulong sa pagpatay kay Agustin 11 taon na ang nakakaraan sa Laoag City.
Inutusan din ng korte si Banaag Jr. na bayaran ang mga nabubuhay na tagapagmana (surviving heirs) ng biktima ng kabuuang PhP300,000.00 Si Agustin, isang broadcaster sa DZJC Radio sa Laoag Cty, Ilocos Norte, ay binaril hanggang mamatay gabi ng Hunyo 15, 2010 ng motorcycle “riding in tandem” na mga salarin habang pauwi na malapit sa lugar ng Barangay Barit, Laoag City.
Sinabi ni USec Egco na maraming insidente ng karahasang may kaugnayan sa media sa panahon ng nakaraang mga administrasyon ang nagtulak kay Pangulong Rodreigo Duterte na likhain ang PTFoMS sa kaniyang pag-upo bilang pangulo noong 2016 upang imonitor, imbestigahan, resolbahin at hadlangan ang mga pagpatay sa media.
Pinuri ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary at PTFoMS co-chair Martin Andanar si Judge Agacita sa kaniyang hatol na sa wakas mabibigyan na rin ng katarungan ang pagkamatay ng broadcaster at kaniyang pamilya. ” Justice has been achieved and we’ll make sure that the likes of Banaag will feel the dire consequences of their heinous deeds. No matter how long it takes, the Duterte administration will always ensure that justice will be served to all perpetrators of media violence,” pahayag ng opisyal.
Habang ipinapahayag ni Egco ang pasasalamat sa korte sa hatol nito ay nangako ito na “no media killer will ever go unpunished”, dagdag pa niya, “this is the promise of President Duterte to our media workers in creating the PTFoMS.” Ayon sa PTFoMS, limampung akusado ang nahatulan na sa kanilang mga krimen laban sa mga mamamahayag.
“Indeed, the 50th conviction of a perpetrator is concrete proof that the culture of impunity in the Philippines has come to an end,” dagdag ni Egco. Kilala si Agustin sa pag-atake sa mga lokal na politiko sa kaniyang programa sa radio, lalo na kay yumaong Pacifico Velasco, dating mayor at vice mayor ng Bacarra, Ilocos Norte, dahil sa umano’y korapsiyon at kaugnayan sa illegal gambling. Namatay ang mayor noong 2019.
Ayon sa police, si Banaag ay naunang kinuha ni Velasco bilang bodyguard. Hinatulan din ng korte si Banaag para sa Attempted Murder sa pagbaril at pagkasugat ni Joseph Agustin, ang kasama ng broadcaster ng panahong iyon, at nahatulan sa indeterminate penalty ng 6 hanggang 8 taon na pagkakabilanggo para sa naturang krimen.
Idinagdag ni Egco na itinampok ng PTFoMS ang mahalagang trabaho ng mga opisyal at mga pulis ng Laoag City sa kasong pagpatay kay Agustin. Nangako siya na, “despite the present challenges, the task force remains committed, vigilant and relentless in its mandate in making sure that the life, liberty and security of media workers are protected.
As long as this task force exists, come hell or high water and no matter who you are, anyone planning to harm any of our media workers will bear the full brunt of the law.
(AAD/PMCJr.-ABN)
May 11, 2025
May 11, 2025
May 11, 2025