Kita ng Baguio sa pag-export tumaas

Lumakas ang paggawa ng lungsod sa pagluluwas ng mga kalakal sa ibang bansa noong 2017 kung ikukumpara noong 2016.
Ito ang inihayag ni city planning and development office head Evelyn Cayat sa naganap na Monday’s flag-raising ceremony sa city hall noong Agosto 20.
Aniya, ang total exports ay tumaas nang 16 porsyento, mula sa $1.6 billion noong 2016 sa $1.9 billion noong nakaraang taon dahil sa tumaas na demand sa electronics, fabricated metals at call center services kasama ng matatag na exchange rate.
Sinabi ni Cayat na batay sa ulat ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA), ang electronics ang may pinakamalaking ambag mula sa Baguio City Export Processing Zone sa Loakan, sinundan ng transport equipments, IT companies, textile, apparel at plastic production.
Sinusubaybayan din ng PEZA ang operasyon ng IT companies sa John Hay Special Tourism Economic Zone, SM Baguio Cyberzone building at Neitrinus IT Center na ilan sa mga kompanya ng business process outsourcing (BPO) sa bansa.
Dagdag pa ni Cayat na ang employment sa PEZA industries na naitatala kada taon ay patuloy na tumataas, mula sa 13,566 noong 2016 sa 15,091 noong 2017 o pagtaas ng 11.2 porsyento. G.KEITH / ABN

Amianan Balita Ngayon