LUNGSOD NG BAGUIO – Pag-aaralan ng pamahalaang lungsod ang alok ng isa ng pribadong kompanya na magbigay ng imprastruktura na mapapadali ang implementasyon ng no contact apprehension policy sa lungsod.
Iprinisinta ng Advantech Solutions noong Pebrero 3 ang kanilang teknolohiya sa mga opisyal ng lungsod at city councilors na handog ang enhanced fiber optic capabilities at no contact apprehension capability na may international standard.
Nakapaloob sa proyekto ang paglalatag ng kilo-kilometrong haba ng conduits para sa fiber optics at no contact apprehension infrastructure kasabay ng instalasyon ng Smart City project platform gamit ang ultramodern at “teachable” cameras na sinisiguro ang high violation detection rate.
Kumbinsido si Mayor Benjamin Magalong na ang teknolohiya ay makakatulong sa Smart City venture ng lungsod dahil madadagdagan ang bilang ng mga camera na maibibigay ng Smart City project.
Sinabi niya na ang fiber optics at no contact apprehension facilities ay itatayo na walang gastos ang lungsod at ang kita ng kompanya ay manggagaling sa uri ng shares mula sa mga mulatang nakolekta.
Ang PhP200 milyon na proyektong tinulungan ng Office of the President na Smart City project na magbibigay sa lungsod ng isang state-of-theart integrated at multi-purpose command center na gamit ang top-of-the-line technology at artificial intelligence upang tugunan ang kapayapaan at kaayusan, trpiko at responde sa sakuna ay nakatakdang aarangkada na ngayong taon.
Gayunpaman, magbibigay lamang ito ng nasa 70-80 camera sa area of coverage nito at alok ng Advantech ang karagdagang 500 camera at fiber optics facilities para sa optimal effectiveness.
Sinabi ng mayor na ikokonsidera ng lungsod ang alok habang hiniling niya sa konseho sa ilalim ni Councilor Faustino Olowan nap ag-aralan ang pagpasa ng isang no contact apprehension ordinance.
Inaasahang isusumite ng Advantech ang unsolicited proposal nito para mapagaralan ng lungsod.
“The unsolicited proposal will be evaluated and if in case we like it, we will provide a certificate of acceptance and give the company an original proponent status and then we will publish the proposal and accept other proposals to challenge it,”ani mayor.
APR-PIO/PMCJr.-ABN
February 10, 2020
February 10, 2020
May 3, 2025
May 3, 2025
May 3, 2025