LA TRINIDAD, Benguet – Pinangunahan ni Benguet Caretaker and ACT-CIS Congressman Eric Yap at Governor ang inisyal first quarter pay-out ng may 825 workers ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced (TUPAD) assistance sa bayan ng Kabayan at Bokod, noong Mayo 19.
Masayang sumalubong si Kabayan Mayor Basilio Daoal,Jr. at ang 465 benificiaries ng TUPAD sa pagdating nina Yap at Diclas, kasama sina
Deparment of Labor and Employment (DoLE) Regional Director Nathaniel Lacambra at Provincial Field Office Director Emerito Narag, para unang quarter pay-out ng TUPAD.
Sa pahayag ni Yap, siniguro niya sa mga mamamayan ng lalawigan na patuloy ang kanyang pagtulong at ang TUPAD ay isa lamang sa kanyang mga initiatives o’ paraan para sa kapakanan ng Benguet.
Labis ang pasalamat naman ni Mayor Daoal sa malasakit na ipinadama ni Yap para sa mga mamamayan na nawalan ng kabuhayan dulot ng pandemya at ang TUPAD ay malaking tulong para sa kabuhayan ng bawat-isa.
Matapos dito ay agad naman nagtungo ang grupo sa BSU—Bokod Campus, Ambangeg, Daklan, Bokod, Benguet, para sa pay-out ng 360 TUPAD beneficiaries.
“On behalf of the municipality of Bokod, I would like to thank our Congressman, our Governor, and the DOLE for their presence today.
Moreover, I would like to take this opportunity to express our deepest gratitude to our Cong. Yap and Gov. Diclas for all the help they have given to our municipality especially during this pandemic,” pahayag ni Bokod Mayor Thomas K. Wales Jr.
Sa Mayo 20, 290 beneficiaries ng TUPAD ang makakatanggap ng kanilang pay-out na gaganapin sa Tublay Municipal Gym. Kasunod nito ay ang mga bayan ng Atok,Bakun,Buguias,samantalang sa La Trinidad ay sa May 26 at Tuba sa May 28.
Ang TUPAD ay inisyatibo ni Cong.Yap para makatulong sa mga nawalan ng trabaho sa 13 munisipalidad ng Benguet, dulot ng pandemya sa tulong ng DoLE.
Zaldy Comanda/ABN
May 17, 2025