KONSULTA PLUS GUICONSULTA DINALA NA SA BAYAN NG URBIZTONDO, PANGASINAN

Nag-uumapaw ang saya ng libu-libong residente nang pormal na ilunsad ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ni Governor Ramon V. Guico III ang Konsulta+ Guiconsulta sa bayan ng Urbiztondo. “Ito ay napakahalagang programa dahil yung walang philhealth yung hindi makabayad ng philhealth…kaya merong Philhealth Konsulta at Guiconsulta para mabigyan kayong lahat ng Philhealth. Pag naregister na kayo covered na from January 28, 2025 to January 2026 isang taon na ang coverage niyo sa philhealth”, paliwanag ni Gover Guico.
Ang mga resoidente ay nabigyan ng libreng check-up, libreng Konsultasyon, libreng bitamina at mga gamot. Sagot naman ng GUICOnsulta ang cash incentive. Ang nasabing insentibo ay mula sa pondo ng Pamahalaang Panlalawigan. Hatid din ng probinsya ang libreng veterinary services, libreng seedlings, libreng bunot, pamimigay ng mga libro at manipulative toys sa mga Day Care Centers, at masustansiyang lugaw hatid ng GUICOSINA.
“Magpasalamat tayo kay Governor Guico dahil dinala niya sa ating bayan ang programang Guiconsulta.
Kay Vice Governor Mark Lambino at sa mga kasamahan nilang Board Member na pumunta dito para marehistro kayo at mabigyan ng libreng check-up at mga gamot at bibigyan pa kayo ng pera para sa pagkain at mapasahe niyo,” masayang pahayag ni Mayor Modesto Operaña. Kasama ni Governor Guico sa paghahatid ng libreng serbisyo sina Vice Governor Mark Lambino, board member Atty. Haidee Pacheco, Board member Philip Theodore Cruz, Abono Partylist Rep. Dr. Bobby Estrella at Vice Mayor Volter Balolong II. Katuwang din sa programa ang Bayambang District Hospital, Mangatarem District Hospital, Pangasinan Provincial Hospital, LGUs, mga Barangay Health Workers at iba pang mga tanggapan sa kapitolyo.
(Patricia Sevilla, JP De Vera| PIMRO
Amianan Balita Ngayon