Sugatan ang isang Korean national matapos mabundol bandang 7:05pm ng Abril 29, 2018 sa kahabaan ng BGH Rotunda, Baguio City.
Kinilala ang biktimang si Hyon Sung Eun, 49anyos, Korean national at kasalukuyang naninirahan sa Parisas Street, Camp 7, Baguio City.
Sa imbestigasyon, tinatahak ng Hondra CR-V na may plakang XPB-302 na minamaneho ni Christopher De La cruz, 23anyos, residente ng Imelda Barangay, Baguio City mula Ben Palispis Highway na nag-U-turn at nag-counter flow sa traffic pabalik ng Palispis Highway nang aksidente nitong mabundol ang biktima na tumatawid sa roadside.
Nagtamo ng sugat sa binti ang biktima at dinala sa BGHMC ng ambulansyang dumaan sa lugar.
Tinanggap ng mga rumespondeng traffic investigator mula kay SPO1 Sonny Calado at PO1 Vanessa Galutera ng Police Station 5, BCPO ang driver’s license ng driver at kinumpiska ang OR/CR ng sasakyan para sa ebidensiya.
April 19, 2025
April 12, 2025
April 5, 2025
April 5, 2025
March 22, 2025