BAGUIO CITY
Taliwassa mga usap-usapan, wala umanong lumalalang krimen sa lungsod, bagamat may ilang insidente ng pagnanakaw at mga baril na sangkot ay walang organisadong modus o sunod-sunod na insidente na maituturing na “trend”, ayon sa hepe ng Station 7 ng Baguio City Police. “May mga kaso ng salisi, pickpocket – pero hindi pa natin masasabi na may pattern. Isolated cases lang ‘yan,” sabi ng opisyal. May naitala rin kamakailan na pagpapaputok ng baril, na agad namang naresolba matapos mahuli ang suspek. Bukod sa baril, nakuha rin sa
suspek ang hinihinalang marijuana. Ang nasabing insidente ay patuloy na iniimbestigahan, at kasalukuyang sakop ng election gun ban hanggang sa katapusan ng buwan.
Sa mga naitalang krimen ngayong taon, vehicular accidents pa rin ang nangunguna, na ayon sa mga pulis, karamihan sa mga insidenteng ito ay dahil sa human error o kalasingan ng driver. “Hindi talaga nawawala ‘yang mga aksidente. Madalas, lasing o hindi nag-iingat ang mga driver,” dagdag pa ng pulisya. Pangalawa sa listahan ay ang mga kaso ng pagnanakaw. Kahit may mga pulis sa lugar, may ilan pa rin
daw na nakakahanap ng tiyempo Upang masigurong ligtas ang mga residente at turista, dinoble ng pulisya ang police visibility sa mga mataong lugar gaya ng Session Road, parks, palengke, terminals, simbahan, at eskwelahan. “Hindi na kailangang pumunta sa presinto. May mga naka-deploy na tayong pulis sa mismong kalsada,” ayon pa sa hepe ng Station 7.
Bukod dito, regular ang ugnayan ng mga pulis sa 16 barangays sa kanilang nasasakupan. Kasama rito ang pamimigay ng mga leaflets,
safety tips, at calling cards upang mas madaling makontak ng publiko ang kanilang tanggapan. Paalala ng pulisya sa lahat ng bumibisita at nakatira sa Baguio: “Maging alerto at alisto!” Bantayan ang gamit, huwag magkalat, at sumunod sa mga ordinansa ng lungsod. “Ang Baguio ay kilala sa kalinisan at kaayusan. Tulungan natin itong mapanatili,” giit pa ng pulisya. Pinayuhan din nila ang publiko na huwag basta-basta mag-post sa social media kung may kinasasangkutang kaso upang hindi maapektuhan ang imbestigasyon.
Reanne Columbres/UC-Intern
June 14, 2025
June 14, 2025
June 14, 2025
June 14, 2025
June 14, 2025
June 14, 2025
June 14, 2025