Kumusta na ang estado ng edukasyon sa bansa?

Editorial

Marahil ang pandemya ng COVID-19 ay nagresulta sa isang positibong bagay: ang mas malaking pagpapahalaga sa importansiya ng mga pampublikong paaralan. Habang ang mga magulang ay nagsisikap na kasama ang mga anak sa bahay dahil sa pagsasara nga mga paaralan, ang pagkilala ng publiko sa kinakailangang pangangalaga na ginagampanan ng mga paaralan sa lipunan ay tumataas.

Habang ang mga kabataan ay nagsisikap mag-aral sa bahay, lalong lumaki ang pasasalamat ng mga magulang sa mga guro, sa kanilang kakayahan at napakahalagang papel nila sa paghubog sa pagkatao ng mga estudyante.

Samantala, habang nagsisikap ang mga komunidad na alagaan ang kanilang mahihina at madaling kapitan ng sakit na mga anak at kabataan, ang mga nagdedesisyon sa bansa ay kailangang gumawa ng mga bagong mekanismo sa paghahatid ng mahahalagang serbisyo – mula pagkain sa edukasyon hanggang sa pangangalaga sa kalusugan. Mahalaga ring tingnan ang mas higit pa sa mga pangunahing ikinababahala sa kung ano ang posible para sa edukasyon sa kabilang panig ng pandemya ng COVID-19.

Mahirap isipin na may isa pang sandali sa kasyasayan kung saan ang pangunahing papel ng edukasyon sa pangekonomiya, panlipunan at pang-politikal na kasaganaan at katatagan ng bansa ay kitang-kita at mabuting nauunawaan ng mamamayan. Ito na marahil ang oras upang umukit ng isang ideya kung paano lumitaw na mas malakas ang edukasyon mula sa pandaigdigang krisis na ito ng higit pa kaysa noon at magpanukala ng isang landas na namumuhunan sa bagongtuklas na suporta ng edukasyon sa halos bawat komunidad.

Sa pagbubukas ng klase sa bagong normal na mga pamamaraan sa Oktubre 5 ay muling masusubok at mahuhusgahan ang kagalingan ng sistema sa edukasyon sa bansa.

Sa kabila ng katotohanang napakaraming naging aberya sa pag-uumpisa ng pasukan kung saan lubhang mababa ang mga nag-enrol sa parehong pampubliko at pribadong mga paaralan at nagsara pa ang nasa 748 na pribadong paaralan na halos 5 porsiyento ng 14,435 rehistradong paaralan sa bansa, ang paglipat ng nasa 40,345 mag-aaral mula sa pribado papunta sa pampublikong paaralan at may 3,323 na mga guro ang kinakailangan ng maghanap na ng ibang trabaho.

Ang mga natirang guro ay pikit-mata ring tinanggap ang natapyasan na sahod – may ikabubuhay lamang. Lahat ng ito ay dahil sa pagkagimbal sa ekonomiya dulot ng pandemya ng COVID-19.

Sa huling datos ng Department of Education ay ipinakita na 20.7 milyon lamang ang nagnais na mag-enrol sa kindergarten, elementary at high school na kumakatawan sa 74.6 porsiyento ng mahigit 27.7 milyon na mga mag-aaral sa pampubliko at pribado. Pitong milyon na kabataan ang maidadagdag sa mga out-of-school-youths ng bansa. Sa school year 2020-2021 at lampas pa hangga’t hindi lubusang humuhupa ang bangungot ng pandemya, lubos ba na magkakaroon ng hinihingi at inaasahang kalidad ng edukasyon ang mga bata sa kabila ng maraming kakulangan at balakid sa kanilang “normal” at nakagawiang sistema ng pag-aaral?

Ang mawalan ng kahit isang bahagi ng ibang pagpipiliang edukasyon – maramihang edukasyon – ay nagbabantang alisan tayo ng pundasyon kung ano ang Pilipinas. Oras na upang kumilos ang gobyerno. Sa ngalan ng oportunidad sa edukasyon para sa lahat ng kabataan na kung patuloy ang pagsasara ng mga pribadong paaralan, dapat agarang magbigay ang estado ng pagpipiliang paaralan sa mga pamilya.

Naging mahalagang bahagi ang sektor ng pribadong paaralan sa pagpapagaan ng pasanin ng gobyerno sa pagbibigay ng nararapat na edukasyon sa milyon-milyong mag-aaral, maging inspirasyon sana ang hamon na ito para sa gobyerno na pahusayin pa ang suporta nito sa sektor ng pribadong paaralan.

Ang pagpili ng edukasyon ay ang tamang polisiya sa anumang pagkakataon. Naging kritikal ito sa kasalukuyang sandali. Sa kawalan nito, maaaring magpatuloy na magsara ang mga pribadong paaralan, ang pagkatuyot ng kanilang enrollment, at oportunidad sa edukasyon na limitado para sa libo-libong kabataan sa buong bansa. Kailangang maisalba ang mga pribadong paaralan mula sa epekto sa ekonomiya ng pandemya sa coronavirus. May kakayahan ang estado- at kapangyarihan- na gawin ito. Na ang bansa ang makikinabang sa kalaunan.