Ipinatupad ng munisipalidad ng La Trinidad sa probinsiya ng Benguet ang curfew at mad mahigpit na mga panuntunan upang makontrol ang lalong pagkalat ng coronavirus disease 2019 (Covid-19), kasama ang B117 SARS-Cov-2 (United Kingdom) variant ng virus. Sinabi ni Mayor Romeo Salda noong Lunes na ipinagutos ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa lahat ng local government units (LGUs) na palakasin ang kasalukuyang public health interventions upang mahadlangan ang posibleng transmisyon ng bagong variant.
Inaprubahan ng walang pagtutol ng MIATF na ipatupad ang curfew mula 8:00 ng gabi hanggang 6:00 ng umaga. Ipinagbabawal din ng bayan ang paglabas ng bahay ng mga edad 15 pababa at higit 65 taong gulang. Ipinatupad din ang mas mahigpit na border control at sa mga indibiduwal mula labas ng Baguio at Benguet na paumapasok sa bayan na magpakita ng health declaration form, travel authority, medical clearance, at certificate of acceptance.
Epektibo rin ang travel restriction protocol na pinapayagan lamang ang mahahalagang pagbiyahe. Nililimitahan pa sa isang tao bawat sambahayan ang papayagang lumabas ng kanilang tahanan. Iniutos din ng lokal na gobyerno ang pagpapatupad ng anti-peddling ordinance at para sa mga establisimiyenro na papayagan lamang ang “take-out” food service.
(LA-PNA/PMCJr.-ABN)
February 1, 2021