LA TRINIDAD, Benguet
Nakakabawi at nakakabangon na, ganyan kung ilarawan ang bentahan ng sari-saring produkto ng mga fish vendors sa La Trinidad Public Market simula nang maging ‘new normal’ ang operasyon
nito,makalipas ang pandemya. Ayon sa tinderong si Gilmer Andrada, unti-unti na silang nakababangon ngunit makikita umano ang kaibahan simula nung bago pa magkapandemya at ang kondisyon ngayon. Aniya, ang kanilang benta ay hindi gaanong “steady,” may araw na malakas ang benta at may panahon na mababa.
Kung ang presyo naman ng bilihin ang usapin, sa kasagsagan ng lockdown at sa kasalukuyan, nabanggit nito ang pag-aray ng nga mamimili sa patuloy na pagtaas ng mga bilihin. Noon ay hindi
maikakailang higit na malakas ang benta dahil mababa ang presyo subalit noong kasagsagan ng hard lockdown ay madaming naapektuhan kabilang ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at ngayong new normal, hindi na rin ito bumalik sa dating presyo.
Isa rin sa itinuturong dahilan ng pagtaas ng presyo ng isda ay ang limitadong pag-byahe ng kanilang suppliers dahil sa ipinatutupad na patakaran ukol sa quarantine, strikto ang lalawigan sa pagpasok ng ibang tao upang sa gayon maiwasan ang pagdami ng bilang ng kaso ng COVID-19.
Napag-alaman din na wala umano silang permanenteng suppliers ng isda dahil hindi masisiguro ang pagbyahe ng mga byahero. “Ayaw naman naming magbenta dito ng one day old fish kaya palipat lipat kami para fresh lagi ang napoproduce naming isda,” ayon kay Andrada.
Sa kinahaharap na ‘new normal’ kapansin-pansin ang pagdami ng mga suplay ng isda at iba pang mga produkto, gayundin ang mga turista na bumibili ng pasalubong. Ayon pa kay Andrada, kapag diretso ang biyahe ng kanilang suppliers, mababa ang presyo subalit kapag bihira ang byahe, tumataas ang presyo pero sinisigurado pa rin nila na ang kalidad ng kanilang produkto ay sariwa.
Tulad ni Andrada, hangad din ng mga tulad niyang tindero na maayos ang zoning ordinance dahil sila ay ‘kawawa’ umano dahil sa pag-approba ng mga lisensiya ng ibang vendors na nasa labas ng pamilihan, kung kaya’t kaunti na lamang ang mga mamimiling pumupunta sa kanilang pwesto. Hangad nitong malimitahan ang mga pinapayagang magbenta sa labas ng public market. “Every
monday mataas ang sales sa market pero since sa dami ng mga satellite markets malapit dito hindi mo na ineexpect kapag natsambahan mo na konti ang benta mo tapos mataas ang benta nila, talo ka.” dagdag pa niya.
Kate Lamigo/UB Intern/ABN
February 11, 2023
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025