LA TRINIDAD, Benguet – Ang La Trinidad, isang munisipalidad na nabenipisyuhan ng Community- based Disaster Risk Reduction and Management (CBDRRM) training ng Aboitiz Foundation at Aboitiz Power subsidiary na Hedcor ay kinilala bilang isa sa most outstanding first-, second-, and third-class municipalities sa larangan ng DRRM sa bansa.
Noong nakaraang Disyembre ay nakuha ng La Trinidad ang National Gawad KALASAG (Kalamidad at Sakuna LAbanan, SAriling Galing ang Kalitasan) Awards para sa first- to third-class municipalities category sa pangalawang sunod na pagkakataon (noong2018, piananalunan din ng bayan ang unang puwesto sa parehong kategorya.)
Ang Gawad KALASAGay orihinal na naitatag bilang pangunahing pagkilala ng bansa sa mga ilang stakeholders na nagdisenyo at nagpatupad ng mga programa ng DRRM.
Tinutulungan ng CBDRRM sa pangunguna ng Aboitiz Foundation ang mga komunidad na tukuyin, pagaralan, gamutin, imonitor at suriin ang mga banat sa pamamagitan ng science-based methods. Nangangailangan ito ng participatory planning na may vulnerable groups na sanayin sila sa paggawa ng informed decisions habang naghahanda sila, magpatupad at i-asses ang Barangay DRRM plan.
Bilang resulta ay mas may kakayahan ang mga komunidad na ito sa pagtugon sa kanilang kahinaan at makaagapay sa mga sakuna.
Sinabi ni Barangay Captain Jonie Puroc ng Barangay Alno, La Trinidad na ang pagsasanay ay malaking tulong sa mga mamamayan dahil ang kanilang munisipalidad ay malapit sa banta ng kapahamakan gaya ng mga pagguho at flash floods.
“The Aboitiz Group has been an active community partner and we sincerely appreciate its effort to make sure that our community is safe and secure at all times,” ani Puroc.
Nang hagupitin ng bagyong Ompong (Mangkhut) ang Benguet nong Setyembre 2018 ay nagtala ang lokal na gobyerno ng zero casualty sa mga barabgay ng Alapang, Alno, Beckel, Bineng, at Shilan. Ito ay mga host communities ng Aboitiz Power Corporation subsidiary Hedcor, Inc. nasanay sa CBDRRM.
“We live in an era of unmitigated risks and hazards, so it is absolutely essential for us to be prepared and know the proper measures to confront these challenges head-on. We are proud of the accomplishments achieved by the LGU of La Trinidad, Benguet — may they continue to succeed in forwarding a mindset of preparedness and resilience across the municipality and beyond,” ani Maribeth L. Marasigan, Aboitiz Foundation President at Chief Operating Officer.
Ang pagkilala sa La Trinidad ay kasunod ng limang local cooperatives (Thanksgiving Multipurpose Cooperative, Barangay Alapang Multipurpose Cooperative, Lamut Multipurpose Cooperative, Wangal Multipurpose Cooperative, at Shilan Multipurpose Cooperative) na sumailalim sa pagsasanay noongnakaraang taon ng isang serye ng disaster resilience-related training workshops.
Ito ay isinagawa ng Aboitiz Group sa pamamagitan ng Aboitiz Foundation, WeatherPhilippines Foundation, Aboitiz Equity Ventures – Risk and Security, at Hedcor Benguet, sa pakikipagtulungan ng Mines and Geosciences Bureau.
Sinabi ni La Trinidad Municipal DRRM Project Engineer FelipeEsnara Jr. na ang disaster resilience ay “everybody’s business.”
“Each individual should be capacitated with training and information on disaster and its components, which the local government is continuously working on,” ani Esnara.
Sa ngayon ay naki-partner ang Aboitiz Group sa halos 600 organisasyon at ahensiya, nagsanay ng mahigit 9,000 katao sa weather and disaster resilience, at nagdebelop ng 57 CBDRRM at 14 Business Continuity Plans.
AMMC/PMCJr.-ABN
February 4, 2020
February 4, 2020
May 3, 2025
May 3, 2025