LA UNION POLICE, HUMAKOT NG AWARD SA 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY SA PRO-1

CAMP OSCAR FLORENDO, La Union – Humakot ng 10 parangal ang La Union Police Provincial Police Office sa
selebrasyon ng 121st Police Service Anniversary, na may temang “Matibay na ugnayan ng Pulisya at Mamamayan,
tungo sa Pagkakaisa, Kapayapaan, at Kaunlaran” na ginanap sa Police Regional Office 1 (PRO1), San Fernando
City, La Union, noong Agosto 25.  Limang limang prestihiyosong awards ang nakuha ng LUPPO sa pamumuno ni Provincial Director Col. Lambert Suerte, habang lima pang major awards ang nakuha ng apat na police station at isang provincial mobile force company nito.

Ang mga parangal na nakuha ng LUPPO ay ang mga sumusunod, Special Unit Award for being the Top Performing PPO in the Campaign Against Illegal Gambling; Special Unit Award for being the Top Performing PPO in the Energy Efficiency and Conservation; Special Unit Award for being the Top Performing PPO in the Solution of Index Crimes; Special Unit Award for being the Top Performing PPO in the Solution of Cases Against Motorcycle Riding Suspects; at Special Unit Award for being the Top Performing PPO in Unit Performance Evaluation Rating (UPER).

Pinarangalan bilang Best Component City Police Station ang San Fernando City Police Station, habang ang Bauang Police Station naman ay nakatanggap ng pagkilala bilang Best Municipal Police Station dito sa buong Region 1.
Tumanggap din ng Special Unit Award for the Highest UPER Rating for Type B Municipal Police Station ang Naguilian Police Station, Special Unit Award for the Highest UPER Rating for Type C Municipal Police Station ang Tubao Police Station, at Special Unit Award for the Highest UPER Rating for Provincial Mobile Force Company ang 1st La Union Provincial Mobile Force Company.

Ayon kay Suerte, ang mga natanggap na parangal at pagkilala ay magsisilbing inspirasyon ng mga kapulisan sa La Union upang panatilihin o kaya’y higitan pa ang kasalukuyang serbisyo sa mga mamamayan. Pinasalamatan nito ang kanyang mga tauhan maging ang mga mamamayan nang dahil sa kanila ay naging matagumpay ang La Union PPO at napapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa buong probinsiya.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon