BAGUIO CITY – Hinatulan ng korte dito ang isang babaeng courier ng illegal drug mula sa kilalang Filipino-Somali drug syndicate, na manatili sa kulungan ng minimum na 2 taon at isang araw hanggang sa maximum na 4 na taon at
magbabayad din ng P30,000 bilang multa. Ang hinatulan sa sala ni Judge Lilibeth Sindayen-Libiran,ng Branch 61,Regional Trial Court,Baguio City,noong Lunes,Agosto 8 ay si Areeya Fernandez Damogo, 28.
Si Damogo, na napatunayang drug courier mula sa iba pang mga nagbebenta ng droga sa lungsod gamit ang kanyang
alindog sa mga gumagamit ng shabu, ay naunang nag-avail ng plea bargaining chip, na nagudyok kay Judge Libiran na ibaba ang hatol na dapat ay reclusion temporal o’ 12 taon at isang araw na minimum na pagkakakulong hanggang 20 taon. Ayon sa korte, bukod sa hatol, kinakailangan ni Damogoso na sumailalim sa anim na buwang rehabilitation
at 18 buwan pagkatapos ng care program kaugnay ng paggamit ng droga.
Matatandaan na si Damogo, ay nasakote ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation – Cordillera,kasama ang
Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Baguio Ciy Police Office noong Hulyo 2021 sa Barangay Pacdal,Baguio City. Napag-alaman ng mga awtoridad na si Damogo ay nakahanay sa isang grupo ng droga na nag-eengganyo sa mga kabataang babae para sa droga, pakikipagtalik at nirerecruit sila upang maging mga transporter ng droga.
Ayon kay Atty. Cesar Bacani, ang pagkahatol kay Damogo ay tagumpay ng pamahalaan laban sa iligal na droga at hinikayat niya ang kanyang mga tauhan at iba pang law enforcement agency na ipagpatuloy ang kampanya laban droga atmga sangkot dito.
Zaldy Comanda/ABN
August 13, 2022
August 13, 2022
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025