LUNGSOD NG SAN FERNANDO, La Union
Sinabi ng Department of Health (DOH) 1 na lahat ng 162 rural health units RHU) at primary care facilities sa Ilocos Region ay nasasangkapan ng mga serbisyo sa kalusugan ng isip para sa mga taong nangangailangan ng ganitong
tulong. Sinabi ni DOH-1 Regional Director Paula Paz M. Sydionco na ang nagawang ito ay bahagi ng hangarin ng kagawaran ng kalusugan na pataasin ang proporsyon ng mga health facilities na nagbibigay ng mental health services sa Rehiyon ng Ilocos.
“This is part of agenda number six of the DOH 8-Point Action Agenda.. and we have already achieved one hundred
percent [of health facilities] with mental health services,” ani Sydiongco sa Kapihan sa Bagong Pilipinas noong Hulyo 2. Kasama sa mental health services na ibinibigay ng mga nasabing pasilidad ang psychosocial support para sa mga taong apektado ng mga krisis, mga sakuna, emergencies, at interbensiyon sa pagpapatiwakal.
Idinagdag ni Sydiongco na ang DOH 1 ay nagsagawa na ng capacity-buiding para sa staff nito upang palakasin ang kanilang kakayahan na hawakan ang kanilang mental health program, kabilang ang isang pagsasanay para sa primary health workers sa assessment, treatment, at pamamahala sa mga pasyente na may mental, neurological, at substance use disorders.
Nakikipagtulungan din ang kagawaran ng kalusugan sa National Center for Mental Health (NCMH) sa pagsasanay ng mga health workers sa Suicide Education and Awareness. Upang marating ang mga estudyante at matugunan
ang kanilang mga isyu sa mental health, magsasagawa rin ang DOH 1 ng Lusog Isip Caravan nito sa apat na
probinsiya ng Region 1 ngayong Oktubre, magsisimula sa Solsona National High School in Solsona, Ilocos Norte sa Oktubre 10 at magtatapos sa Dagupan City National High School sa Oktubre 20.
Sa pagitan, ang yugto ng caravan sa Ilocos Sur ay gaganapin sa Ilocos Sur Provincial Health Office sa Oktubre 12 habang ang yugto sa La Union ay isasagawa sa Don Francisca Lacsamana de Ortega Memorial National High School sa bayan ng Bangar sa Oktubre 17. Ang nasabing caravan ay isang pinagsama-samang pagtugon sa kalusugan ng isip na sasakop sa mga paksa na may kaugnayan sa adolescent health, kasama ang HIV, teenage pregnancy, oral health, at paggamit nge cigarette. Sa pambansang lawak, tinataya ng DOH na nasa 3.6 milyong Pilipino ang nagdurusa s mga isyu ng kanilang kalusugan ng isip gaya ng substance use disorders, depression, at mood disorders gaya ng bipolar disorder.
(CCMT, PIA La Union/PMCJr.-ABN)
July 6, 2024
March 22, 2025
March 22, 2025
March 22, 2025
March 22, 2025
March 22, 2025