Huli ang isang lalaking naaktuhang nagnanakaw sa isang supermart sa lungsod bandang 4pm ng Mayo 2, 2018.
Ayon sa reklamong inihain ni Linden Natividad Rodriquez, 33anyos, security guard ng Sunshine Supermart, Abanao Street, Baguio City, at residente ng lungsod, sa ngalan ng management ng nasabing supermart, nagsasagawa ng roving sa Lane 3 si Rodriguez nang makita niyang kinuha ng suspek na si Lee John Perez Rivera, 19anyos, walang trabaho at residente ng San Luis, Baguio City, ang dalawang piraso ng Axe You Deo Spray 50ml na nagkakahalaga ng P201.50, isang piraso ng Axe Apollo Deo Spray na nagkakahalaga ng P198.25, at isang piraso ng Axe You Deo Spray 150ml na nagkakahalaga ng P214, na may kabuuang halaga na P613.75, na inilagay sa sling bag ng suspek.
Nang makita ni Rodriguez ang suspek na lumabas sa counter 14 na hindi binabayaran ang mga nasabing item sa cashier ay hinabol niya ito. Hiniling ni Rodriguez sa suspek na buksan ang bag nito, na siyang ginawa ng suspek, at nakita nito ang apat na pirasong items. Inimbitahan ni Rodriquez ang suspek sa kanilang opisina at tumawag ng police assistance at dinala sa Station 7-BCPO para sa tamang disposisyon.
Ang kaso ay isinangguni kay Prosecutor Edwin Byran Sagsagso at nag-utos na ilipat ang suspek sa Baguio City Jail.
May 8, 2018
April 19, 2025
April 12, 2025
April 5, 2025
April 5, 2025
March 22, 2025