Lalaki nakuryente sa kasagsagan ng ulan sa Baguio

Aug 16, 2018

LUNGSOD NG BAGUIO – Isinugod ng mga awtoridad sa ospital ang isang lalaki matapos itong tinamaan ng bumagsak na live wire sa Purok 2, Barangay Dontogan noong August 12, 2018.
Ang biktima ay kinilalang si Eduardo Jolen Sobremonte, 30 anyos, isang chef, at residente ng naturang lugar.
Ayon sa police report, ganap na 4:30 ng hapon nang naglalakad di umano ang biktima patungo sa bahay ng kanyang kaibigan sa Foggy Hill, Dontogan, nang ito ay tamaan ng naputol na live wire mula sa poste ng kuryente ng Benguet Electric Cooperative (Beneco), na hinihinalang naputol sanhi ng malakas na hampas ng hangin.
Ayon kay Nathan Natomay Langbis, unang nakakita sa biktima, nakahandusay diumano ito sa daan nang makita niya. Maagap naman itong tumulong at isinugod ang biktima sa Baguio General Hospital and Medical Center, kung saan kinumpirma na nagtamo ang biktima ng “minor burns at injuries” sa kanyang katawan. Sa kasalukuyan, maayos naman ang kundisyon ng biktima na patuloy na inoobserbahan ng mga doktor.
Samantala, agad namang rumesponde ang mga awtoridad mula sa Station 10 ng Baguio City Police na pinapangunahan ni PSC Elly De Vera na agad tinawag ang atensyon ng pamunuan ng Beneco para sa agarang aksyon.
Kasabay nito, para maiwasan ang anumang aksidente o sakuna ay nagbigay ang pamunuan ng Beneco ng paalala di lamang para sa mga nasa lungsod ng Baguio kundi pati na rin sa mga karatig-pook na kung may nakitang putol na kable ng kuryente o napansing kakaiba sa koneksyon ng mga wire lines na puwedeng magdulot ng sakuna, huwag subukang hawakan o lapitan at ireport agad sa kanilang customer welfare office sa numerong (074)-637-4400 o 637-4499, at pindutin ang number 1. DOROTHY M. REGINO, UC Intern

RELATED POSTS

LATEST NEWS

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

BAGUIO CITY (November 28, 2022) -- Triple A public works contractor Phesco Inc., operating a concrete batching plant in Sablan, Benguet, insists it has instituted mitigating measures averting earlier complaints of concrete spillages into the drainage system in sitio...

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

IT BEGINS

IT BEGINS

Members of the Fil-Am Golf Invitational executive committee pose with Baguio mayor Benjamin Magalong after the ceremonial tee-off at the Baguio Country Club Thursday, Nov. 24 that signal the starts of the 72nd edition of the worlds largest amateur golf tourney. Some...

10 DRUG PERSONALITIES, NALAMBAT SA OPERASYON SA CORDILLERA

LA TRINIDAD,Benguet -- Arestado ang sampung drug personalities sa isang linggong anti-illegal drugs operation ng Police Regional Office-Cordillera na isinagawa mula Nobyembre 13 hanggang 19. Sa talaan ng Regional Operations Division (ROD) ng PROCOR, anim na drug...

BARANGAY MERGING ISINUSULONG NA SA LUNGSOD NG BAGUIO

BAGUIO CITY – Inaprubahan na sa unang pagbasa ng Sangguniang Panlungsod sa kanilang regular session noong nakaraang Lunes ang iminungkahing ordinansa na nag-aapruba sa pagsasanib ng 128 barangay ng lungsod mula sa 34 barangay lamang, na napapailalim sa mga limitasyon,...

MINE SAFETY FIELD DEMO

MINE SAFETY FIELD DEMO

The Philippine Mine Safety and Environment Association held its Mine Safety Demo and Competition at the Melvin Jones football field. Mining companies all over the country demonstrate their skills in Mine Safety and first aid response during the COVID-19 Pandemic....

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest