Nabundol at nakaladkad ng jeep ang isang lalaking naglalakad sa pedestrian sidewalk bandang 9:15am ng Abril 25 sa kahabaan ng LTO Compound, Navy Base, Baguio City.
Agad na rumesponde ang mga traffic investigator nang matanggap ang tawag mula sa nakatalagang security guard ng Baguio General Hospital and Medical Center (BGHMC).
Sa imbestigasyon, nakaparada ang Isuzu Jitney na may plakang AYC-624 na nakalagay ang susi sa ignition switch na minamaneho ni Ronald Mendoza Escaler nang isa sa kaniyang kasamahan na si Ryan Mendoza Sape, 39anyos, at residente ng Lubas, La Trinidad, Benguet na nakaupo sa likod ay biglang pinaandar ang sasakyan at aksidenteng nabundol ang biktimang si Jayson Docyogen Bangcolen, 29anyos, at residente ng JC 247 Km 5 Pico, La Trinidad, Benguet, na noon ay naglalakad sa pedestrian sidewalk. Matapos mabundol ng sasakyan ang biktima ay patuloy pa ring umandar ang sasakyan kung kaya natumba ang biktima at agad na napayakap sa I-beam ng sasakyan at nakaladkad nang halos 25 feet. Nagtamo ang biktima ng mga sugat at dinala ng taxi driver sa BGHMC para sa agarang lunas.
Ang mga rumespondeng imbestigador ay kinapanayam ang biktima at kinuha ang mga drivers license ng operator na si Roger Cas-oy Chegyem at ng driver na si Escaler kabilang ang OR/CR ng sasakyan sangkot at nagtungo sa lugar ng insidente at kinapanayam ang nakatalagang security guard ng LTO na siyang nakasaksi ng insidente. Masusi pa ring iniimbestigahan ang kaso.
April 28, 2018
April 28, 2018
May 11, 2025
May 3, 2025
April 19, 2025
April 12, 2025