Lungsod ng Baguio – Ang tanggapan ng beterinaryo ay hinihimok ang mga may-ari ng mga pusa at aso na dalhin ang kanilang mga alaga sa araw ng nakatakdang libreng pabakuna ng anti-rabies sa kanilang sa barangay mula Marso hanggang Abril.
Sinabe ni Dr. Brigit Piok, ang chief ng city veterinary office na ang pagbabakuna ng antirabies ay isang taunang aktibidad sa panahon ng Marso, na itinakda bilang antirabies prevention month. Nagsimula ang libreng bakuna noong Marso 3 at tatagal hanggang Abril 4 sa mga barangay.
Ang mga bakuna ay para lamang sa mga aso at pusa na gawing anti-rabies free ang lungsod sa taong 2030.
Ang Rabies ay nakamamatay dahil maaari nitong patayin ang isang tao na nakagat ng isang hayop na nahawahan ng mga rabies, kung hindi kaagad na na-injected ng isang bakuna laban sa rabies para sa mga tao.
Ayon kay Piok, ang bakuna ay para mapalakas ang immune system ng mga pusa at aso at para protektahan ang mga ito mula sa rabies virus, na maaaring malipat sa tao.
“Kailangang mabigyan ng bakuna ang mga hayop tuwing tatlong taon bilang proteksyon. Ang aming tanggapan ay nagbibigay ng mga libreng bakuna ng anti-rabies sa mga residente na nakatakda sa kanilang barangay sa iba’t ibang mga iskedyul.” dagdag ni Piok.
Ang iskyedul ng anti-rabies ay maaaring malaman sa kani-kanilang barangay hall upang makakuha ng libreng bakuna sa mga araw na iyon.
Sinabi ni Piok na ang mga pusa at aso lamang na tatlong buwan pataas, malusog at hindi buntis ang maaaring mabakunahan.
Ginagawa rin nila ang mga aktibidad na microchipping, libreng mass spay at neutering maliban sa paggawa ng kampanya ng kamalayan at responsableng aralin sa pagmamay-ari ng alagang hayop.
Angela Joy De Guzman/UB Intern
March 9, 2020
June 14, 2025