LIMGAS NA PANGASINAN TAMPOK SA PISTAY DAYAT 2023

LINGAYEN, Pangasinan

Inilatag na ang iba’t ibang aktibidad na gaganapin kabilang ang dalawampu’t limang kandidata mula sa iba’t ibang bayan ng probinsya para sa Limgas na Pangasinan 2023 tungo sa Pageant and
Coronation na magaganap sa Capitol Plaza sa April 29 na highlight sa selebrasyon ng Pistay Dayat sa probinsya. Inanunsyo rin ng bumubuo ng pageant na ang mananalo ngayong taon ay magkakaroon ng oportunidad na irepresenta ang Pangasinan sa Miss World Philippines at Miss Grand Philippines.

Matatandaang nahinto ang patimpalak ng tatlong taon at sinisigurado ng Provincial Government of Pangasinan na sa kanilang pagbabalik ay mas engrande at mas pinaganda pa ang magiging production ngayong taon. Isa sa mga aabangan sa edisyong ito ay ang Cultural Costume and Talent Night sa April 22, sa Sison Auditorium. Irarampa ng mga kandidata mula sa iba’t ibang bayan ang
kanilang magagarbong cultural costume at ang kaninilang mga talento sa pagsayaw, pagkanta at iba pa.

Gaganapin naman sa April 25 ang Pre-pageant night na magsisilbing batayan upang matukoy kung sino ang karapat dapat na makapasok sa semi- finals at tuluyang hihiranging Limgas na Pangasinan 2023.

Joshua C. Santos-UB Intern/ABN

Amianan Balita Ngayon