Limitadong face to face classes sa unibersidad sa Ilocos naging maayos

Ang pag-uumpisa ng limitadong face-to-face (F2F) classes sa pinapatakbo ng gobyerno na Mariano Marcos State University ay naging maayos noong Lunes matapos ang halos dalawang taon ng flexible learning dulot ng pandemya.
Sa kaniyang maikling pambating pahayag bago tumungo ang mga estudyante sa kani-kanilang nakatalagang mga retrofitted classroom ay pinaalalahanan ni vice president for academic affairs, Dr. Prima Fe Franco, ang mga napiling 6,000 estudyante, ang faculty at staff na sumunod sa minimum public health standards na itinakda ng Interagency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases,
Department of Health, at ng local government unit, na nakakasakop.
“You’re in good hands. Let’s embrace it for the sake of quality education,” ani Franco. Bago payagan ang mga mag-aaral na makapasok sa mga silid-aralan ay kinakailangang magpakita sila ng full vaccination card, isang notarized parents’ waiver, isang medical certificate na inisyu ng isang doktor ng gobyerno, at isang registration sa PhilHealth insurance para akuin ang medical expenses na
may kaugnayan sa coronavirus disease 2019 (Covid-19).
Aakuin ng mga magulang ang lahat ng mga panganib dahil nagbigay sila ng lubos na pahintulot sa kanilang anak na sumama sa limitadong harapang pagklaklase.
Dahil sa halop-halong mga emosyon na magaral muli na kasama ang kaniyang mga kaklase sa silid-aralan, ay sinabi ng isang pharmacy student at chairperson ng University School Council, Philip Joshua Aliga na ang pagbubukas ng limitadong F2F classes ay isang mahalagang lundag para sa unibersidad dahil hindi ito tumigil sa pagbibigay ng de-kalidad na edukasyon sa mga mag-aaral nito.
“It will take some time and effort to adjust again but our education is at stake. Every risk that we take is an opportunity to realize our dreams,” aniya.
Sinabi ni MMSU president Shirley Agrupis na ang mga estudyantem faculty, ar staff ng MMSU ay nakamit na ang isang mataas na antas ng Covid-19 vaccination rollout na 99.06 percent.
Sa kabuuang 14,597 na estudyante na kasalukuyang naka-enrol sa unibersidad ay sinabi ni Agrupis na nakahanda sila ng lubos upang salubingin ang mga estudyante sa paaralan. Subalit kung may mga ilang problema na makita sa limitadong F2F classes, sinabi niya na maaaring kontakin ng mga mag-aaral ang mga kinauukulang awtoridad ng paaralan para sa agarang aksiyon.
“There’s no need for you to go elsewhere as you are like our children. We will take good care of you,” ani Agrupis, na pinasalamatan ang suporta ng iba-ibang stakeholder sa pilot run ng limitadong F2F nap ag-aaral sa MMSU.
(LA-PNA Ilocos/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon