LINDOL NA NAMAN SA NEW ZEALAND

Sus maryusep…lindol na naman ???? Saan? Sa Wellington, New Zealand at may lakas na 6.1. wala pang ulat kung may mga namatay o nasugatan. Kamakailan lang, di ba nalindol din ang ilang
bahagi ng Mindanao? Ano bang mga pangyayari ang mga ito? Sa kaganapan sa Turkey at Syria na tinamaan ng 7.8magnitude na lindol, ang ulat, higit 41,000 na ang naitalang nasawi at patuloy pa
rin ang paghuhukay nagbabakasakaling may maililigtas pang buhay.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, nailipat na sa ibang lugal ang mga Pinoy bagama’t hindi lahat ay OFW kundi mga Turkish residents na at dalawang Pinay na nasawi ang naproseso na ang dokumento upang maiuwi sa Pilipinas habang hindi pa natatagpuan ang isang Pinay at mga anak
mula sa mga gumuhong tirahan. Nagkakaisa at tulung-tulong ang maraming bansa para sa rescue, retrieval at humanitarian aids sa mga apektadong lugal sa Turkey at Syria.

Malayong mas marami ang namatay sa Turkey kumpara sa Syria, ayon sa huling ulat. Sa mga mass grave na lang inilalagak ang mga natatagpuang bangkay. Patuloy din ang asiste ng ating rescue/
humanitarian team na nasa Turkey at nilalabanan ang pagod at ginaw. Ganitong eksena ang naganap sa ating rehiyon noong 1990. Sa ngayun, hindi pa kumpirmado kung kailan ititigil ang rescue operations sa Turkey at Syria bagama’t isinasabay na ang imbestigasyon kung bakit
maraming gusali ang bumagsak noong lindol.

May mga natukoy na ang gobyerno ng Turkey na mga dahilan at nahuli at kinasuhan na ang mga lumabag sa kanilang Building Code doon. Hindi naman sa pagmamalaki pero sa tingin ng maraming Pinoy…parang mas matibay ang ating mga gusali kumpara sa mga istraktura doon. Kaya nga’t kamakailan lang, nagsagawa ang NCR ng inspeksiyon sa mga gusali ditto sa Pinas bilang
preparasyon sa sinasabi nilang “The Big One”. Ayon kasi sa mga eksperto higit daw sa 7.2 magnitude na lindol ang pinangangambahang tatama sa NCR sa di malamang panahon.

Dalangin natin, sana, hindi na maulit ang naganap na lindol sa ating lungsod at karatig-pook noong 1990. Ayon sa mga nakaranas: di nila malilimot ang 1990 killer quake. Alaala at paalala na maging handa at listo. Iisa ang nakita nating resulta ng mga malalakas na lindol sa mundo: tulungan ng mga bansa ng kahit anong estado. Sa palagay ng DAPLIS, tinatapik na tayo ng Panginoon. Barko ng Philippine Coast Guard, tinira ng “military-grade laser light” ng Chinese Coast Guard sa may Ayungin Shoal kamakailan.

Resulta: pinatawag ni Pres. Bongbong Marcos Jr. ang Chinese Ambassador to the Phil. na si Amb. Huang at kinausap hinggil dito. May nabuo diumanong kasunduan upang maiwasang maulit ang pangyayari. Ang masaklap, parang hindi naman yata sumusunod sa mga opisyal ng Tsina ang kanilang militar kaya nangyayari ang iringan. Dahil dito, kinastigo ng Estados Unidos ang Chinese Coast Guard. Ayon kay US State Department spokesperson na si Ned Price: ang ginawa ng
Chinese Coast Guard ay “provocative and unsafe”.

Nagbigay pa ng pahayag si Price na kumakampi sa Pilipinas ang US sa puntong ito: “The United
States stands with our Philippine allies in the face of the People’s Republic of China Coast Guard’s
reported use of laser devices against the crew of a Philippine Coast Guard ship”, pahayag ni Price. Sana, hindi na lumala ang tensiyon sa lugal kung saan, Pilipinas ang naiipit. Adios mi amor, ciao, mabalos.

BUS RIDES

LOOK AT UKRAINE

Amianan Balita Ngayon