LIQUOR BAN IPATUTUPAD SA SYUDAD NG BAGUIO DAHIL SA 2023 BAR EXAMINATION

LUNSOD NG BAGUIO

Mahigpit na ipinapapatupad ni Mayor Benjamin Magalong ang “liquor ban” sa mga lugar na malapit sa pagdarausan ng bar exam na aniya na nasa 50 na meter radius ng Saint Louis University upang maging mapayapa an gang isasagawang bar examination ngayon taong ng 2023 na magsisimula sa Setyembre 17, 2023.

Sa inilabas na Executive Order No.118, serye ng 2023 nakasaad na ang tanggapan ng Korte Suprema, ang Syudad ng Baguio at ang Saint Louis University ay nagkaroon ng kasunduanna ipatupad ang kaligtasan ng mga magsusulit at kapayapaan ng lugar na kung saan ay ay gaganapin ang nasabing examination. Ayon naman kay City Legar Officer Althea Alberto halos umabot sa 1, 049 ang magsusulit sa darating na Setyembre 17, 2023 sa lunsod .

Nakasaad sa nasabing E0 118 na ipatupad agad ng kapulisan at maaring magmulta ang mahuhuli na lumabag sa nasabing kautusan mula sa tanggapan ni Magalong. Narito ang mga raw na kung saan ay ipapatupad ang nasabing E0 118 mula sa hatingggabi ng Setyembre 16, 2023 hanggang sa 10pm ng Setyembre 17. Hatingabi ng Setyembre 19, 2023 hangang 10pm ng Ssteyembre 20 ,2023
at Hatinggabi ng Setyembre 23 hanggang 10pm ng Setyembre 24, 2023.

Ayon pa kay Magalong “ The EO warns that violations of its provisions shall be dealt with according to existing laws and city ordinances, so applicable; and directs all concerned departments to “ensure a safe, peaceful, and orderly examination period at SLU during the said dates.”

Artemio A. Dumlao/ABN

STARTER KITS

Amianan Balita Ngayon