Lokal na mga negosyo tumaas ng 64% sa bayan ng Narvacan, Ilocos Sur

NARVACAN, ILOCOS SUR – Kasunod ng pagbubukas ng isang world-class na farmer’s market sa Bayan ng Narvacan, Ilocos Sur, maraming bagong mga negosyo ang umusbong sa lugar, ayon sa isang sertipikadong ulat sa datos sa ekonomiya ng pamahalaan ng munisipio noong Martes.
Ipinakita sa pinakahuling mga tala na noong 2021, may 916 bagong mga nedosyo ang nairehistro sa Narvacan, kaya ang kabuuang bilang ng mga negosyo sa taong iyon ay 2,338 o isang 64 porsiyentong pagtaas mula 1,422 mga business renewals noong 2020.
Ang mga bagong negosyo ay binubuo ng food at non-food stalls sa public market kabilang ang iba pang mga negosyo sa
information technology, tourism, at sektor ng agrikultura, at iba pa. “The economic boom in Narvacan provided an increase in capital investments and more employment opportunities for the locals,” pahayag ni bagong-halal na alkalde Pablito Sanidad Sr. nangakong ipagpapatuloy niya ang pamana ng aalis na mayor Luis “Chavit” Singson.
Sa gitna ng pandemya, isa ang Narvacan sa pinakamabilis na umuunlad na mga maunisipiyo sa rehion ng Ilocos sa agresibong nfrastructure development at modernization program nito.
Noong nakaraang Abril ay nilunsad ng lokal na gobyerno ang payunir na digital “palengke” app nito na handog ang cashless transactions sa mga residente.
Sa pamamagitan ng isang public and private partnership program, lugar ngayon ng pinakamalaking pampublikong pamilihan ang Narvacan sa buong rehiyon ng Ilocos. Ang modernong pampublikong merkado ay pinapatakbo rin ng solar energy.
(LA-PNA Ilocos/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon